Chapter 15: Something Old, Something New

20.5K 297 31
                                    

Memoir 7

      “Heath. Habulin mo ako!”

     Nanatiling nakatayo sa buhangin si Heath habang tinitignan ang slow motion na takbo ni Venice.

     Kanina pa ito nagyayaya na makipaghabulan sa kanya sa dalampasigan pero hindi niya ito pinapansin. Lalo pa’t ang daming tao sa paligid. Mga staff at crew ng teleserye nila na busy sa paghahanda para sa susunod na eksena.

     They were currently shooting on location and since the sun was already setting they had to hurry up. Dapit-hapon sa tabing dagat ang backdrop ng eksena at gusto ni Direk Cathy na makunan ang perpektong paglubog ng araw.  

      “ ’Lika na! Habol na!” pilyang tukso ni Venice habang inuusli-usli nito ang hintuturo kay Heath.

      “Hindi rape scene ang eksena. Walang habulan.”

     Malakas na tumawa si Venice. Wala itong pakialam sa mga tao sa paligid nila. Siya lang naman ang may pakialam. Ayaw niya kasi na mahalata ng iba na may gusto siya sa ka-love team niya. Kailangan niyang ihiwalay ang trabaho sa personal niyang nararamdaman.

     Nailalabas na lang niya lahat ng nararamdaman niya sa tuwing kinukuhanan na sila ng camera. Dahil hindi na niya kailangang magpanggap na may lihim siyang gusto kay Venice.

     Daniel, his character, was as devoted and smitten with Kathryn who was Venice’s character in the story. Like him, they fell for the same woman.

     Tumatakbong lumapit si Venice sa kanya halatang sumuko na din ito sa wakas sa kakakulit sa kanya.

 

      “KJ!” she grumbled with puffed cheeks.

     Heath glanced briefly at Venice on his side. Pinagsisipa nito ang mga bato sa buhangin, halatang dito nito binubuhos ang inis nito. Gusto niyang ngumiti pero pinigilan niya.

      “Heath! Venice! Lusong na sa tubig.” Sabi ng director ng makalapit sila.

     Inangat niya ang kamay niya sa ere at inialay iyon sa harapan ni Venice.

     Venice immediately placed her hand on his hand. Buong ingat na inalalayan niya ito hangang sa makarating sila sa gustong hanganan ng Direktor. Half of their body was soaked underwater. For Venice the level of the water was higher compared to him.

      “HEATH! VENICE! JUST PLAY AROUND WITH THE WATER!” sigaw ni Direk Cathy sa malaking speaker nito.

A Whisper of the Heart - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon