Chapter 6: Perfectly Unperfect

24.1K 368 44
                                    

     Labin-lima.

 

 

     Tahimik na bilang ni Venice sa utak niya ang bawat sulyap na iginagawad ni Heath kay Hezekiah sa rear-view mirror nito.

 

 

     Prente at mahimbing ang tulog ng anak nila na nakahiga sa likod ng kotse ni Heath. Katabi naman ni Heath sa unahan ang Mama niya na nakikisunod lang sa takbo ng mga pangyayari.

 

 

     Nagulat na lang si Venice kanina dahil sa pagsulpot ni Heath sa airport. She remembered the scene earlier, Heath stood still in front of Hezekiah.

 

     Heath wasn’t able to say anything when Hezekiah spoke to him.

 

 

      “Tengo una foto tuya en mi casa.” Sabi ni Hezekiah sa ama nito.

 

     Lalong kumunot ang noo ni Heath habang nakatingin sa bata.

 

     How was Heath able to understand that his son just told him that he had a picture of Heath?

 

     Nakipagsukatan naman si Hezekiah ng kunot-noo ng makita ang reaksyon ni Heath. Ayaw patalo.

 

     Si Heath ang unang nagbawi ng tingin at walang salitang kinuha nito ang bagahe nila sa sulok. Wala silang nagawa ng Mama niya kundi sumunod dito.

 

It was what she came for in the first place so who was she to resist?

 

 

     Mabagal lang ang pagpapatakbo nito ng kotse at sa tuwing may humps maingat nitong iniiwasan iyon. Halatang ayaw nitong maalog si Hezekiah.

 

 

     Labing-anim.

 

 

     Nahuli na naman ni Venice si Heath na sumulyap sa anak nito. Nagtama ang tingin nila sa salamin.

 

 

      “Hezekiah.”

 

 

      “Ha?”

 

 

      “Hezekiah ang pangalan niya.”

A Whisper of the Heart - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon