AWOTH SPECIAL 1: A Whisper to His Heart

18.1K 264 35
                                    

     7 BILLION.

     Pitung bilyong tao... Pitung bilyong tao ang nabubuhay ngayon sa buong mundo.

     Marahil 1 bilyon sa mga iyon, ay nakaluhod ngayon sa isa nilang paa, nag-pro-propose ng kasal sa pinakamamahal nilang babae.

     Pero si Hezekiah Ford na nasa harapan niya na nakaluhod sa isang paa nito ay kabaliktaran ang sinasabi ng mga oras na iyon.

     He knelt before her and gripped her hand with both of his warm hands while she sat silently at the foot of their bed. He didn’t raise his head and just silently whispered seconds after.

      “Will you divorce me?”

                                    ---------------------

                        20 years after Venice’s Death

                                 ­­­­­­________________

      “Si HEATH FORD! LOLO si HEATH FORD!”

     Impit na tili ni China habang pinapalo ang panlinis na basahan sa puntod ng lolo niya. Andito na ‘yung taong inaantay niya. Ang idolo niyang si Heath Ford.

     Bunbunan pa lang kasi ng idolo na kita niya sa bungad ng gate ng sementeryo alam na niya. Napatayo si China mula sa pagkakaupo at pilit na inabot ng mga mata niya si Heath Ford.

      “Hay Lolo! Kyaaa! Kahit ang tanda na niya ang gwapo pa din talaga!” kinikilig na sabi niya sa puntod na nasa paanan niya. Pinagdaop ni China ang dalawang palad habang matamang pinagmamasdan ang idolo niya at ng lolo niya.

     Sinong hindi nakakakilala at hindi iibig kay Heath Ford?

     Pangalan pa lang nito ang binabanggit kinikilig na siya.

     Si Heath Ford at ang dakila nitong pag-ibig.

      “Lolo, ang gwapo niya tulagahhh ngayon. Anibersaryo kasi ng pagkamatay ni Mrs. Ford.” Nakangiting kwento niya sa Lolo niya na animo nakikinig lang sa ilalim ng lupa. “Tignan mo Lolo kung makapaglakad siya akala mo hinahabol… Sobrang excited lang na makita si Mrs. Ford.”

     Nilingon niya ang lapida ng lolo niya na tila bigla niyang narinig na tumatawag sa kanya kahit wala naman siyang third eye o third ear. “Opo. Nilinis ko po yung museleo. Kanina pang madaling araw gaya ng ginagawa natin taon-taon.”

     Ang lolo niya na care taker sa sementeryong iyon ay diehard fan ng mag-asawang Ford.

     Fanboy ika nga.

     Ayon sa kwento ng Lolo niya naging saksi siya sa proposal ni Heath Ford sa asawa nito. They even had a photo during Heath’s proposal to commemorate it, a photo which her grandfather treasured for years until he finally passed.

A Whisper of the Heart - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon