My Future Wife

265 22 4
                                    

Chapter 30


Third Person Pov.




Mahimbing ang tulog ng dalaga mula sa kanyang silid. Alas otso na ng umaga at mainit na ang sinag ng araw ngunit nakahilata pa rin ito sa kama, nakapag handa na ng almusal ang kanyang lola kaninang alas siete 'y medya. Nakapaglaba din ito ng iilang kumot ngunit heto't ang dalaga'y ngayon pa lang nagising.

Awtomatikong napaupo siya ng masilayang maliwanag na ang kanyang bintana. Hinagod nito ang buhok bago sipatin ang wall clock na nakasabit sa haligi ng kwarto.

Pabulong siyang napamura ng makitang pasado alas otso na. Binaba nito ang paa sa higaan at agarang sinuot ang pambahay niyang tsinelas, tumayo siya at bahagyang inunat ang dalawang kamay.

Bago siya lumabas ng silid, biglang tumunog ang cellphone nitong nakacharge sa ibabaw ng side table.

Lumakad siya at lumapit roon, tinanggal niya ang pagkakasaksak ng charger bago silipin ang screen kung sino ang tumatawag. Ngunit hindi na niya iyon nasagot dahil pinatay lang din ng caller iyon.

Nang makita nito ang screen, halos mapaang siya sa dami ng missed call ni philip.


Kanina pa ito tumatawag at ni isa ay wala siyang nasagot. Hindi na ito nag-abala pang magtipa ng mensahe upang itanong kung bakit siya tumatawag. Agad na niyang dinial ang numero ni philip na mabilis lamang ang naging pag-ring. May sumagot rin agad sa tawag, ngunit nagulat siya at napakurap ng iba ang boses ng sumagot sa kabilang linya.

"Hello, nariyan ba si winter?" muli'y napakurap ito sa tinig ng isang matanda. Tumikhim ito bago sumagot.

"Ako po ito."

"Pasensya na sa istorbo, hija. Kanina pa ako tumatawag sa'yo. May sadya lang ako sayo dahil hindi ko maiwanan itong alaga ko."



Napaisip ang dalaga sa sinabi ng matandang nasa kabilang linya. Tila nahuhulaan na niyang si yaya corazon ang kausap nito na madalas banggitin ni philip sa kanya.

"Nasa ospital kasi ang apo ko, kailangan ko lang sana ng maiiwan dito dahil lahat ng kasambahay ay nag-resign na. Walang makakasama si philip dito."

"Ibig n'yo po bang sabihin ay pupunta ako riyan upang samahan siya?"

Napabuntong hininga ang ginang sa kabilang linya. "Hindi na sana iyon kailangan, ngunit dahil mataas ang lagnat kagabi ni philip. Nag-aalala lamang ako sa kanya kung mag-isa siya rito." namilog bigla ang mata ni winter dahil sa narinig?

May lagnat si ashong? Bigla'y naitanong niya iyon sa isip at inalala kung ano ba ang ginawa nila kagabi, napakagat labi pa ang dalaga dahil ang eksenang hindi niya makalimutan ang sumagi sa imahe niya.


"K-kung ganon, may sakit po ang alaga n'yo?"

"Oo, maayos naman siya ng umuwi ito. Ngunit ng hatiran ko ito ng gatas sa kanyang kwarto, nakabalot na siya ng kumot at nilalamig. Mataas na pala ang lagnat niya." hindi nakaimik ang dalaga dahil iniisip pa rin nito kung paano nagkasakit ang binata. "Hindi ko alam kung anong pinag-gagawa ng batang 'to at nagkasakit s'ya, naaawa na nga ako dahil ilang araw ng wala ang mga magulang niya." hindi maiwasang magpakawala ng mahabang hininga ni winter dahil nakakaramdam na naman ito ng awa.

Sa huli, nagdesisyon itong tumungo roon upang makaalis ang ginang at masamahan niya panandalian ang binata dahil nga ay may sakit ito.



"Hindi pa ba umuwi si angelina?" umiling si winter ng itanong iyon ni lola perla. Hinahanda niya ang ilang pagkaing iniluto ng matanda, nasabi nito na dalhin ang mga pagkain roon dahil wala din naman kakain kung maiiwan lamang iyon.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon