Avoid Calix Kiss

178 18 0
                                    

CHAPTER 10

Winter Pov.

(Avoid calix kiss)

Nakausap ni lola ang may-ari ng apartment kanina lamang. Ilang minuto lang ang tinagal niya ng bumalik si lola sa bahay. Agad niyang sinabi na maaari ng pumaroon si ashong, mabilis ang kilos ng dalawa upang tumungo doon.

Hindi iyon kalayuan sa bahay kaya't agad naming narating iyon. Kasama namin si lola ng buksan ng landlady ang pinto.

Sakto lamang ang paupahan sa isang tao. Wala na siyang seconfloor pa kundi diretso lamang ang pagkakagawa nito sa loob.

May higaan sa gilid malapit sa bintana. May pinto sa dulo na kung saan naroon ang banyo. Sa sulok ay may sink doon kung saan maaari kang magluto at maglapag ng mga gamit mo.

Sa bungad ng pinto ay makukuha mong ilibot ang kabuuan ng apartment. Hindi naman siya gaanong makalat dahil nalilinisan naman ito noong umalis ang mga nakatira rito.

Blanko lamang ang buong lugar dahil walang gamit na nakalaan para sa titira. Kung baga, ilaw at tubig lamang ang meron.

"Ayos lang ba sa'yo ang lugar na ito hijo?" nilingon ko si lola perla ng itanong niya iyon kay ashong. Wala naman ng nakakaasiwang mukha ang lalakeng 'to. Halatang gusto naman niya ang lugar maliban kay giovanni na nakangiwi.

"Are you sure you want to stay here?" siniko siya ni ashong.

"Manahimik ka." isinara ni giovanni ang bibig. Wala naman din kaming magagawa kung dito nais manatili ni ashong.

Hindi ko naman gustong mapagalitan ito ng kanyang magulang dahil sa nangyari. Alam ko kung paano sila magalit, nakakapagsalita sila ng masama sa kanilang anak na hindi nila iniisip.

"Ayos lang sa akin, la. Importante may tutuluyan ako sa ngayon." tumango si lola.

"Limang libo ang bayad dito isang buwan. Kasama na doon ang kuryente at tubig. Ikaw na lang ang bahala sa pagkain mo."

"Sure, lola. Thankyou for your help." ngumiti si lola bago ako lingunin.

"Tara na." marahan akong tumango bago sulyapan sila ashong. Nililibot niya ang tingin sa paligid habang lumalakad patungo sa higaan.

Nagpaalam rin ang landlady na mauuna na. Naiwan silang dalawa ni giovanni roon habang papalakad kami ni lola pauwi.

"Hindi ako sang-ayon sa ginawang ito ni philip. Dapat malaman ni angelina ang kalagayan niya dahil anak niya pa rin si philip."

Nilingon ko si lola. Naglalalad kami patungong bahay habang magkapantay ang aming lakad.

"Siguradong ikakagalit ito ni angelina. Baka dumating sa puntong madamay ka sa kanyang galit."

"Hindi naman po niya siguro malalaman. Hindi lang nais ni ashong umuwi dahil siguradong malalagot siya."

Bumuntong hininga si lola. "Hindi ba hahanapin si philip kung sakali?"

Hindi ako nakapagbigay sagot kay lola. Hindi ko rin alam ang sasabihin dahil hindi ko pa iyon naitanong kay ashong.

"Hahanapin niya ang kanyang anak, sigurado lang iyon. Pag nangyari iyon tiyak na malalaman niyang narito si philip, baka magkita kayo at magkaroon ng alitan tungkol sa pagtulong mo sa kanyang anak."

Hindi muli ako nakapagsalita. Huminto na kami sa tapat ng bahay habang nakatingin sa akin si lola.

"Hindi sa ayaw kong tulungan mo si philip. Inaalala lamang kita at iniisip ko ang pwedeng mangyari."

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now