New Character

185 12 0
                                    

Chapter 27

Winter Pov



Matapos ng nangyari sa pagitan ng pag-uusap nila mama at angelina, napilitang lumisan ang mommy ni ashong na halos hindi malimutan ang pagtataboy ko rito.


Hindi ako bastos na tao. Alam kong mali ang ginawa ko ngunit hindi ko maatim na nagbabato ito ng masasakit na salita sa mga magulang ko.


Hindi ko na napigilan ang sariling sumagot, galit na galit ito ng lumisan siya. Marami pa itong sinabi paukol sa relasyon namin ngunit nasa likod ko si mama na pinanatag ang aking kalooban.

Akala ko'y magagalit sila sa akin, nasa isip ko na ang pangangaral nila at utos na makipag hiwalay ako kay ashong. Ngunit nagkamali ako, hindi iyon nangyari dahil iba ang kanilang sinabi ng araw na iyon.

"Huwag mong intindihin ang ina ng nobyo mo, nakausap na namin si philip. Alam kong seryoso ito sa inyong relasyon."

Iyon ang salitang nagpakalma sakin mula kay mama. Humingi ako ng dispensa sa kanila dahil sa nangyari. Ngunit masyado akong pinagpala pag dating sa mga magulang ko.


"Darating din ang araw na wala siyang magagawa kundi tanggapin ang relasyon ninyo, huwag kang masyadong magpa-apekto sa nangyari." Ani papa sakin na lalong nagpagaan ng loob ko. Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat.

Maging si Lola ay ganoon rin ang sinabi sakin, hindi ko man napaghandaan ang pagdating ni angelina at ang pangyayaring ito. Hindi ko na iisipin pa muna ang mga salitang kanyang binitawan.

Hindi ko lang maiwasang malungkot dahil mahalaga pa rin sakin ang pagtanggap ni angelina sa relasyon namin ng kanyang anak. Ngunit sa ngayon, hahayaan ko muna lumamig ang ulo niya sakin. Sa oras na makakuha ako ng magandang panahon ay doon ko ito kakausapin ng kaming dalawa lang.

"Mag-iingat kayo rito, bantayan mo ng maayos ang lola mo." Tumango akong nakangiti kay mama. Araw ng lunes ngayon, alas siete pa lang ng umaga ngunit ngayon na ang pag alis muli nila mama't papa upang umuwi na ng probinsya.


"Kung hindi lang namin naiisip ang farm, baka paparito muna kami ng ilang araw. Ang kaso lang, may mga idedeliver ngayong lunes." Tipid akong ngumiti sa sinabi ni papa.


"Ayos lang pa, naiintindihan ko. Wala namang problema iyon sakin."



Dalawang beses na tumango si papa sa sinabi ko. "Mag-usap kayo ni philip, kung may problema kayo pwede kang magsabi sa amin ng mama mo."



"Opo, gagawin ko."



"Huwag mo na munang kakausapin si angelina kung mag alok si philip na pumaroon kayo sa kanila, palamigin na muna natin ang sitwasyon." Napabuntong hininga ako bago marahang tumango. Iyon na nga muna ang gagawin ko dahil sigurado lang na galit pa ang mommy ni ashong sa akin.

Matapos ng pamamaalam nila mama at papa, muli kaming naiwang dalawa ni lola perla sa bahay. Nakapag almusal na kami kanina, maagang nakapagluto si mama dahil maaga rin ang kanilang pag alis.


Naupo si lola perla sa sala. Pansin ko ang pagkawala niya ng mahabang hininga bago ito tumingin sakin.


"Anong oras ang pasok mo ngayon?"

Naupo ako sa mahabang sofa, sa gilid nito kung saan ang kanyang pwesto. "Mamaya pa pong alas otso."


"Susunduin ka ba ni philip dito?" Nagkibit balikat ako sa tanong na iyon ni lola


"Hindi ko po alam, pero papasok na po ako." Tumango si lola Sakin. Tumawag kahapon sa akin si ashong ngunit si mama ang sumagot. Siya ang nakausap nito dahil marami itong naitanong, isa na roon kung bakit hindi siya dumating upang sunduin sila. Iyon Kasi ang usapan nila na hindi naman nangyari.


Ang paliwanag ni ashong kay mama, may ginawa daw ito na utos ng kanyang ina. May dinaluhan siyang meeting at hindi nito inaasahang tatagal siya sa pagpupulong na iyon.

Nais pa sanang pumarito ni ashong dahil gusto niyang personal na humingi ng paumanhin sa kanila. Ngunit hindi na siya pinaunlakan ni mama, alam nito na siguradong nakabantay ang kanyang ina sa kilos nito. Baka mag away lamang sila at iyon ang hindi gustong mangyari ni mama.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now