LOVE AND LUST

174 18 2
                                    

Chapter 14

Calix Pov.

Simula ng magbukas ang bagong branch nitong montebar ay hindi na ako gaanong nakapaglalaan ng oras kay winter. It takes a lot of days before we meet again, ilang araw bago kami mag-usap noon bago magbukas ang bagong branch ni mommy.

I invite her on the first night of opening. Nais ko siyang makasama dahil sa bagong achievements nila mommy at daddy sa bagong branch na 'yon.

They're happy with us, masaya sila ng malamang sinagot ako ni winter bago umapak ang pasko. Mommy told me that i need to take care of winter. Kahit hindi niya sabihin ay iyon naman ang gagawin ko, winter is so special. Walang kahit sino ang makakapantay sa kanya pag dating sa pagmamahal ko rito.

Sinundo ko sila makaraan ng pag-aayos nila ni mommy sa salon. Dumiretso kami sa bagong bukas na bar dito sa branch namin na kung saan ay abala lahat ng tao.

Ilang oras na lang din at darating na ang ilang bisita. Nasa isang kwarto si winter at doon muna saglit nanatili. I want her to be comfortable here, but i know her. Hindi kasi siya sanay sa lugar na ganito, my girlfriend is not kind of wild woman. She's too perfect. Maganda, matalino, mabait, at karespeto-respeto.

"Hindi ka ba lalabas dito?" inilingan lamang ni winter ang ilang tanong na naibato ko na sa kanya. The party is starting outside, Marami ng tao at hindi ako maaaring manatili dito dahil kailangan kong suportahan sila mommy sa labas.

"Ayos lang ako dito, cal." she said with a smooth voice. Hindi ako kumbinsido at hindi ko nais siyang iwan dito. I invite her to go outside even she's not totaly agree. Lumabas naman siya sa VIP room kasama ako, iginaya ko siya sa second floor malapit sa bar counter. Naupo siya doon habang ang ilang empleyado ay nasa tabi niya.

"Girlfriend mo sir?" I nodded when they asked me. Proud ako dahil girlfriend ko ang babaeng ito, she's nice. Lalo na ngayon sa kanyang ayos.

"Ang ganda naman." I smiled again. Maganda talaga si winter, she didn't just discover before but even she's not wearing a make. Winter is absolutely gorgeous.

I roamed my eyes while winter is busy on our employee. Nakikipag-usap siya ng makita ko ang grupo ng team mates kong naglalakad sa ilalim.

Nasabi ko kay winter na aasikasuhin ko na muna sila. Hinabilin ko rin ito sa aming empleyado na pakitingnan siya saglit.

"Huwag niyo siyang painumin." Utos ko bago tuluyang bumaba sa first floor. Sinalubong ko sila apollo at stanlee, kasama nila si giovanni maging ang ilang team mates namin sa basketball.

I invite them last day. Pumayag naman sila kaya't ngayon ay natutuwa akong makita silang narito. Iginaya ko sila sa isang VIP room na wala pang tao. Pumasok kami roon habang nagtatawanan sila, the waitress assist them emmidiately. Kinuha nito ang order nila bago siya lumabas sa vip room.

"Where's your girlfriend?" apollo asked me. Si stanlee ay may kausap sa cellphone habang si giovanni ay sinisindihan ang kanyang sigarilyo. Nag-uusap naman ang ilang kasamahan namin tungkol sa paparating na finals.

"She's here."

"Saan?"

"Nasa second floor. Hindi kasi sanay sa ingay."

"Maingay naman din sa itaas, tawagin mo." umiling ako dahil alam kong hindi kumportable dito si winter kasama ang mga kaibigan ko.

"Later." I answered before press the buzzer to follow up their orders. Maya-maya lang din ay dumating ang kanilang inumin. Mommy greet them when she enter the VIP. Natutuwa at bakas ang galak sa mukha ni mommy, hinanap rin nito sa akin si winter at nais niya itong makita.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon