OFFICIAL

175 20 2
                                    

Chapter 22


Winter Pov.


Dalawang beses ang naging pagkurap ko habang nakatingin kay ashong. Naisara ko ang bibig sa panandaliang gulat na nangyari dahil sa presensya n'ya.

Kalaunan ay umayos ako ng tayo, ngunit hindi ako makakuha ng salita upang maibato kay ashong. Halatang mainit ang ulo nito, sa pagkakasalubong ng kilay niya maging ang tingin nito sa akin ay naiiba.

"K-kanina ka pa ba diyan?" sa wakas ay nakapagsalita ako. Mas lalo lang nalukot ang mukhang meron siya. Hindi ko mabatid kung may hindi ba siya nagustuhan sa tanong ko, ngunit iyon talaga ang nais kong itanong.


"Saan kayo nanggaling ni calix?" imbes na sagutin ang tanong ko ay iniba niya ang usapan. Siya ngayon ang nagbato ng katanungan na hindi ko agarang nasagot, nahahabag kasi ako sa reaksyon ng mukha niya. Parang doon pa lang ay may iba na itong iniisip na iba, nagdududa kumbaga.


"Nanggaling ako sa bahay nila."

"At buong araw kang naroon?"

Tumango ako. "Oo." matagal bago siya tumitig sa'kin. Mariin ang pagkakasara ng kanyang labi, pansin ko ang paghulma ng kanyang panga bago ito tuluyang mag-iwas ng tingin sa akin.

"Hindi mo ba sasabihin kung anong dahilan kung bakit buong maghapon kang nasa bahay ng lalakeng 'yon?"


"May sinadya lang ako kay calix."


Tumaas ang kilay niya. Tila hindi iyon ang gusto niyang sagot na maririnig mula sa akin.

"Ang pagkaka-alam ko magkikita tayo ngayon, yun pala ibang lalake ang kikitain mo." ang tinig niya'y nagtutunog hinanakit. Ngunit alam ko namang wala akong ginawang masama, siguradong nag-iisip na naman siya ng iba.

"Nag-usap lang kami, ashong."

"May kailangan pa pala kayong pag-usapan?"

Bumuntong hininga ako. "Tungkol iyon kay deborah."

"Kung ganon, ano iyong mahal kita na sinabi mo?" nagtagal ang titig ko sa tanong niyang iyon. Kung ganon, kanina pa siya narito ng mga oras na sabihin ko iyon kay calix? Ngunit wala namang ibang ibig sabihin iyon, alam din naman ni calix kung anong pinupunto ko.

Napaka-maisyoso talaga ng lalakeng 'to.

"Hindi ko alam na chismoso ka na pala ngayon."

"Ako pa ngayon ang chismoso? Kasalanan ko ba kung marinig ko ang sinabi mong iyon?"

Muli ay nagpakawala ako ng mabigat ng buntong hininga. "Walang ibang ibig sabihin iyon, ashong."

"Para sa'yo wala. E paano naman sakin? Mabuti pa s'ya sinasabihan mong mahal, samantalang ako wala." umismid ito. "Pumasok ka na, mukhang pagod ka." aakma siyang aalis ng tawagin ko ang pangalan nito. Huminto siya, nilingon niya ako na sobra ang pagkakakunot ng kanyang noo.

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na ako."

"Bakit hindi ka muna tumuloy sa loob?"

"Tsk, wag na." naglakad siya palayo. Doon ko lang napansin ang kotse niya sa kabilang daan. Lumakad ako upang sundan siya, kahit alam nitong nakasunod ako ay ni hindi niya ako nilingon. Dumiretso siya at pumasok sa driverseat, pumasok rin ako sa passengear seat upang hindi siya makaalis.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" masamang tingin ang ipinukol niya sa katanungan ko.

"You don't need to follow me if you still clueless about my feelings. Pumasok ka na sa loob."

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now