ERICA PATRIA

256 18 2
                                    

Chapter 28

Philip Pov.



We have statistic in research this afternoon, hindi na ako bumaba upang maglunch dahil nag-iisip ako tungkol sa research na iyon. Hindi ko alam kung bakit hangga ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa bawat leksyon na itinuturo ng professor.


Medyo nahihirapan ako kaya't nagtanong ako sa aking seatmate. Ngunit wala ako sa tamang tiempo dahil may kinausap ito sa kanyang cellphone.



I sighed while waiting to finish his call, ngunit masyadong matagal kaya't tumahimik na lang ako sa aking kinauupuan. I know i can asked winter about this, pero ayoko lang na pahirapan siya dahil magka-iba ang aming kurso.



"Nasa room pa ako, may individual research kami." Nilingon ko ang aking katabi, lalake siya at ito ang pinakamatalino sa klase. Madalas ako nitong bigyan ng sagot pag may quiz kami at test questions. "Puntahan mo ako dito." Aniya bago patayin ang tawag. Doon ako kumuha ng pagkakataon upang kausapin siya, ngunit ilang segundo lang ng mangiti ito sa pinto. Napabaling ako sa pintuan at doon nakita ko ang babaeng kanyang nginingitian. Muli ay napabuntong hininga ako, maybe i'll do it by myself? Kaya ko naman siguro.

"Hindi ka ba kakain?" Nakatayong nag-usisa ang babae sa katabi ko. Hindi ako interesado sa pinag-uusapan nila kaya't sumandal na lang ako sa aking kinauupuan.



"Hindi na." Sagot ng binata. "Isang subject na lang ang papasukan namin, gagawin ko ang research ko matapos ng klase."



"Mahirap yan, pero tapos na ako. I have a lot's of topic, pero isa lang ang nagamit ko." Sinulyapan ko ang babae dahil sa sinabi nito. Business rin ba ang kurso niya? Hindi ito pamilyar sakin ngunit maikli ang kulay itim niyang buhok.

"Talaga baka pwede mo kaming tulungan ni philip." Nilingon ko ang katabi ko dahil sa sinabi niya.



"Your genius, guanzon." Ani ko sa nang-aasar na tono. "Then your asking a help with this girl?"


"May naisip na ako, baka ikaw lang ang wala. Hindi mo ba kailangan ng tulong? This is our last research, training na tayo sa susunod na buwan." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Bakit pa ba kailangan ng OJT if i am a young business man, nakakainis.


"I'll help him." Anang babaeng nakatayo sa harapan niya. Nakatingin na ngayon ito sa akin habang nakangiti. "Don't you remember me?" My forehead cressed for what she asked, remember her?


"Hindi kita kilala." Nabura ang ngiti nito sa sinagot ko.



"Tinulungan mo pa lang ako kanina, nakalimutan mo na?"



"What?"



"Ako ang nabangga mo kanina." Matagal bago ako makapag-isip bago ko maalala ang eksenang nangyari kaninang umaga. Sa totoo lang, I didn't remember her. Even her face and voice is not familiar on me, focus kasi ako kay winter kanina. Lalo na't ngayon na hindi ito nawawala sa isip ko.

Kumain na ba kaya ito?


Uminom ba siya ng gamot kanina?


"Payag yan, kita na lang tayo after our class." Hindi na ako umimik pa sa sinabi ni guanzon, gusto ko na lang matapos ito dahil nais kong maglaan ng oras mamaya kay winter. Ayokong may ginagawa ako habang nasa bahay nila Ako.

Kaya't kahit hindi ko kilala ang babaeng iyon, hinayaan ko na lang magdesisyon ang katabi ko.



Natapos ang huling subject namin alas dos ng hapon. Nasa pwesto pa rin ako sa aming silid habang nagtitipa ng mensahe sa aking cellphone, ngunit bigla na lang itong namatay ng hindi ko naisesend ang message kay winter.


Napahilamos ako bago padabog na ibato ang cellphone sa aking bag. Saktong tumayo si guanzon ng malingon sa akin na medyo natatawa sa ikinilos ko.



"Anong nangyari?"



Inirapan ko ito sa ngisi niya, badtrip ako dahil naiinis ako sa subject na 'to. Tumayo ako matapos kong dalhin ang aking bag. Sa bungad ng pinto ay nasalubong ko ang babaeng nagprisinta na tutulong sakin.


"Aalis na ba tayo?" Salubong ang kilay ko sa tanong niya. Hindi ko alam kung ganito talaga kalakas ang loob niya para kausapin ako na para bang kilala na talaga niya ako.



"I will look for my girlfriend first." I said before i turn my back to leave her. Hindi ko na narinig pa kung may sinabi ito, dumiretso na ako pababa at agad tumungo sa gusali nila winter. But their still have a class. Hindi ako makakapasok para lamang kausapin siya, hindi ko rin ito nakikita ng todo dahil nasa harapan siya at nasa exit door ako.


Muli ay napabuntong hininga ako. Kumuha ako ng ballpen at papel upang isulat doon na puntahan niya ako sa library paglabas niya.


I called her classmate who's sitting near at window. Napangiti pa ito sa akin ng makita niya Ako.



"Can you give this to my girlfriend?" Nabura ang ngiti nito ngunit kinuha rin niya ang kapirasong papel na ini-aabot ko.



"Kay villapania?" aniyang tanong na tinanguan ko.


"Yes, thank you." I fix my uniform before i glanced on winter again. Abala pa rin siya sa pakikinig at ni hindi ito nagkaroon ng pagkakataong malingon sa kinatatayuan ko.


After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now