HIS SCENT

174 19 1
                                    

Chapter 18




Winter Pov.






Nakatulala lang ako sa mga papel na nasa aking mesa. Nangalahati na ang aking ginagawa ngunit Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni lola.



Medyo gumaan ang pakiramdam ko ngunit hindi ko maisip kung ano ngayon ang nararamdaman ni Lola.

Alam kong maraming gumugulo sa isip nito simula ng ipagtapat ko sa kanya ang katotohanan. Ito rin naman ang s'yang gusto ko, Ang masabi lahat kay lola upang wala na akong itago sa kanya kahit ano. Ayoko sa lahat ay ang nagsisinungaling kay lola. Importante s'ya sa akin kaya't nararapat lamang na malaman niya ang totoo kung anong nangyayari sa amin ni ashong.



Napabuntong hininga ako. Yumuko ako sa aking mesa dahil sumasakit ang sintido ko. Wala pa man ilang minutong nakayuko ako ng mag vibrate ang cellphone kong nasa mesa.




Kinuha ko iyon habang nakayuko ako. Matamlay kong sinilip ang caller na nagbigay sigla sa mukha ko. Awtomatiko akong napaayos ng upo habang nakatingin sa pangalan ni ashong na nagtataas baba sa aking screen. Ilang segundo din ng mamatay iyon dahil natulala ako sa pangalan n'ya. Hindi ko man lang nakuhang sagutin dahil pinakikiramdaman ko pa ang tibok ng puso ko.





Siguradong nagsasalubong na naman ang magagandang kilay ng lalakeng iyon.





Muli ay nagvibrate ang aking cellphone. Hindi ko na iyon pinatagal pa, sinagot ko na ang tawag habang patungo ako sa aking kama.




Hindi ko alam kung bakit may tumutusok sa aking tiyan, hindi naman ako gutom. Kinain ko pa ang mga pagkaing ibinili sa akin ni ashong. Pero bakit ganon pa rin?



Dinig ko ang pagbuntong hininga n'ya sa kabilang linya. Nakasandal na ako sa headboard habang hinihintay siyang magsalita.





"What are you doing?" Hindi ko alam kung bakit nag iiba para sa akin ang tinig ni ashong. Oh baka sadyang naiiba lang talaga ang boses n'ya sa kabilang linya?





Muli ay bumuntong hininga ito ng hindi ako sumagot. "Natutulog ka na ba?" He asked me. Malambing ang boses niya na lalong nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa sistema ko.




"H-hindi pa." Napapikit ako dahil sa pagkaka-utal ko. kinagat ko pa ang aking labing habang hinihintay ang sasabihin n'ya.





"Can you go outside?" Napamulagat ako sa tanong nito.




"Huh?"





"Labas ka."





Napalunok ako. Tuluyan ng nagrambolan ang samut saring reaksyon sa aking puso. Hindi ko iyon lahat mapangalanan dahil may kilig, kaba at sabik itong nararamdaman. Para akong maiihi na hindi ko malaman, tumayo ako. Ilang segundo akong palakad lakad sa kwarto habang nasa tenga ko pa rin ang aking cellphone. Nang silipin ko iyon ay wala na ang katawagan ko. Nalukot ang mukha ko, pinatayan niya ako ng linya? Nainis ba ito dahil hindi ako sumasagot?


Hinawakan ko ang doorknob at pinihit iyon pabukas, nakapatay na ang ilaw sa sala at tahimik na sa paligid, hindi ako sigurado kung Bakit kailangan kong lumabas.




Ngunit naroon ba si ashong?





Masyado ng gabi at bakit bibisita s'ya dito ng ganitong oras?


After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now