ANGELINA FALCON

188 17 1
                                    

Chapter 12

Third Person Pov.


Hindi nakatulog ng maayos si philip dahil naninibago ito sa lugar kung nasaan siya. Hindi nito nakasanayan ang lugar na masikip, Idagdag mo pa na napaka-init ng lugar dahil walang aircon sa loob. May electricfan nga ngunit napaka-lamok pa rin, may nakikita itong mga daga na patakbo-takbo malapit sa kanyang kinahihigaan.


Ngunit sa kagustuhan nitong mapalapit kay winter ay hindi ito nagreklamo ukol doon. Hindi nais ipaalam ni philip kung anong lugar ang kinalalagian niya, hindi nito gustong pauwiin siya ng dalaga dahil natutuwa siya na madalas silang magkita, ano mang oras ay masisilayan niya ang dalaga kung gustuhin niya man itong makita.


Napapangiti si philip habang nakaupo sa kama. Inalala nito ang nangyari kagabi, kahit medyo nababadtrip ito sa tuwing maaalala niyang nagkita sila ni calix ay napapawi rin iyon sa oras na isipin niyang siya ang gusto ni winter at hindi ang binatang iyon.

Alam niya sa sarili kung gaano kakumplikado ang kanyang ginagawa. Ngunit alam nitong magiging maayos din ang lahat kung ipaglalaban niya kung ano ang kanyang nararamdaman.

Tumayo siya upang lumabas ng apartment. Napaka-aga pa at hindi pa nasinag ang araw. Maraming taong dumadaan sa kanyang nilalakaran palabas ng village, karamihan ay dalagang nag-jojogging na napapatingin sa kanya.

Philip ignore them even the girls smiled at him. Hindi siya interesado dahil iba ang ngiting nais niyang suklian.


Plano niya sanang kumatok sa pinto nila winter. Ngunit nakabukas iyon kaya't malaya siyang nakapasok. Naabutan nito si lola perla na nakaupo malapit sa lamesa. Umiinom lamang siya sa kanyang tasa ng mag-angat ito ng tingin sa binata.

"Oh, philip. May kailangan ka ba?"

Philip smiled before walks to sit on the other chair. "Wala po. Naiinip lang ako sa apartment." nililibot niya ang tingin dahil hinahanap ng kanyang mata ang dalaga.

"Hindi ka ba nakakatulog ng maayos doon?"

He glanced at lola perla again before shooked his head. "Nakakatulog po ako ng maayos, masarap ang naging tulog ko."


"Sigurado ka ba? Sabihin mo lang kung hindi ka kumportable, bibigyan pa kita ng mga kumot."

Philip smiled again. "Salamat po. Pero hindi ko na kailangan ng extrang kumot."


Tumango ang matanda. "Ikaw ang bahala. Uminom ka na ba ng kape?"

Umiling si philip. "Hindi pa po. Ako na ang gagawa."

"Hindi, maupo ka lang diyan. Ako na, maghahanda na rin ako ng pagkain."

"I don't want to eat, lola. Kape na lang po."

Nilingon siya ng matanda. "Hindi ba't iinom ka pa ng gamot mo?"

"Yes. But i want to wait winter. I just have something to say with her."

"Natutulog pa ang apo ko, pero gigising na rin iyon."

"Hihintayin ko na lang po." wala ng ginawang pamimilit pa ang matanda. Napapansin nito ang kilos ng binata sa lubusang pagkakalapit nito sa kanyang apo. Nais niyang magtanong ngunit hindi nito nais makumpirmang tama ang kutob niya. Sa ngayon, nagtitiwala na lamang ito sa kanyang apo.

Halos kalahating oras ang lumipas ng bumaba si winter. Kakagising lamang nito at wala pa kahit anong ginawa sa sarili. She's wearing a cotton pajama and a simply blouse, terno na naman iyon na kulay dilaw.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon