Inagaw ba kita?

184 20 0
                                    

Chapter 24

Winter Pov.


Maraming studyante ang nasa harapan ng biyernes na pumasok ako. Wala akong ideya kung anong meron ngunit nagkakagulo sila, hindi ako nag-usisa bagkus ay nilagpasan ko lamang sila.

Hindi pa man ako nakakalayo ng ilang kilometro ay bigla na lamang may humarang sa dinaraanan ko.

Hindi ko kilala ang babaeng ito, may kasama siyang dalawang babae at ang isa ay ang classmate kong si patricia.

Wala akong pinakitang reaksyon sa kanilang tatlo, medyo marami akong iniisip dahil paparating na ang araw ng linggo kung kailan luluwas sila mama.

"Ang linis tingnan ng babaeng ito kumpara kay trixie, pero may tinatago pa lang dumi sa loob." napahinga ako ng malalim sa sinabi ng babaeng nangunguna. Kung ganon, ako pala talaga ang pakay nila?

"Anong kailangan mo?" tanong ko, maayos naman ang pagkakatanong ko ngunit hindi nagtutunog interesado.

"Paano nangyari naging boyfriend mo si philip?" nakataas ang kilay nito sa kanyang pagtatanong. Hindi ko siya sinagot, napabuntong hininga ako dahil iyon lang naman pala ang kailangan nila.

"Hindi na mahalaga kung paano iyon nangyari." nagtangka akong lagpasan sila upang iwasan na lamang sana. Ngunit hinila niya ng marahas ang aking braso dahilan upang matigilan ako sa paglalakad.

"I'm still talking to you b*tch!" nag-init ang tenga ko sa narinig. Ngunit hindi ako nagpakitang apektado dahil lalo lang nilang ikakatuwa iyon. "Don't you dare turn your back on me, ang kapal naman yata ng mukha mo?"

Nilingon ko siya. "Ano bang tinatahol mo riyan?" namilog ang mata nito sa sinabi ko. Like the other girls here, tatahol talaga pag hindi nakukuha ang atensyon nila.

"What did you say!" it's another bark again. Umismid ako sa pagkaka-aksaya ng oras ko sa ginagawa nila. Ano bang makukuha nila dito?

"May klase pa ako, paki-bitawan ang aking kamay."


"You don't know what you did, b*tch. You stole the man we're admiring! Pati sa pinsan mo inagaw mo s'ya!"

"Iyon ba ang pag-aakala mo?"

Nakangisi siya ngunit hindi nito maitatago ang inis dahil para sa aking ekspresyon, wala lang ang ginagawa nilang ito.

"Ang tapang mo ha? Porket ba boyfriend mo si philip kung umasta ka kaya mo na kami? We're a group of girls, b*tch! Hindi namin ito palalagpasin."

"Then let go of my hand." humigpit lang lalo ang hawak niya sakin, lalong namula sa galit ang kanyang mukha maging ang dalawang kasama n'ya.

Napabuntong hininga ako.

"Sinasayang mo ang oras ko." marahas kong binawi ang kamay sa pagkakataong mapapaupo siya. Hindi ko iyon sinasadya, malay ko bang lampa siya at mahina ang pagkakatayo, siya yata ang may lakas ng loob harapin ako. She don't me too, i can beat this woman here to make her passed out.

Matapang talaga ako ngunit hindi ako pumapatol sa ganitong maliit na bagay.

This is too childish to fight for.


"Walang hiya ka!" she tried to slap when she stand up, ngunit nahawakan ko lang ang pulsuhan nito na naging sanhi upang hindi dumapo ang palad niya sa pisngi ko.

"Saka muna ako sampalin kung makakatayo ka kung ako ang sasampal sa'yo." pabalang kong binitawan ang pulsuhan nito upang samaan niya ako ng tingin. Ngunit tinalikuran ko na sila, ayoko ng aksayahin ng tuluyan ang oras ko sa pakikipagtalo lamang sa kanila.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon