Ang paghaharap

207 24 1
                                    

Chapter 26

Winter Pov.


Nang biyernes na dumalo sila ashong dito ay hindi ko na muli siyang nakita. Ang sabi nito, tatawagan niya ako pag nakapag-usap sila ng kanyang ina. Ngunit nang gabing iyon ay hindi na ako nakatanggap ng tawag pa mula sa kanya.

Linggo ng umaga sa tapat ng bahay, alas otso pasado ng dumating sila mama. Dala ang hindi kalakihang bag ay bumaba sila ng taxi. Tinulungan ko sila dalhin ang ilang plastic na dala nila matapos kong magmano.

Isang mataman na titig ang binigay sakin ni mama ngunit hindi ko ito matagalan, nag-iwas din ako ng tingin at agad lumapit kay papa.

"Ang aga n'yo po yatang nagbiyahe?" nilingon ako ni papa matapos nitong makababa, seryosong titig din ang natanggap ko rito kaya't hindi na muli akong nagtanong pa.

"Mabuti na lang at hindi traffic." si mama. Kausap nito si lola na ngayo'y papasok na sila sa loob. Nagbaba ako ng tingin, dahil hindi ako nakatanggap ng yakap mula sa kanila. Alam kong galit sila dahil sa nangyari.

Maging ng pumasok kami ni papa sa loob, nakatungo lang ako bago ko ilapag ang mga gamit na nabuhat ko.

Sa sala sila naupo, may miryenda ng nakahanda dahil alam naman naming paluwas sila kaninang madaling araw pa.

Ako na ang kumilos upang hapagan sila, may pinag-uusapan sila bago ako makarating sa sala. Huminto sila matapos kong mailapag ang nailuto kong carbonara. Nakatingin si mama sakin, seryoso ito kaya't iniwas ko ang aking tingin at bumaling kay papa.

Pansin ko ang pagbuntong hininga ni papa bago tumingin sakin.

"Kumusta ang pag-aaral mo dito?" iyon ang unang tanong na medyo nagpaginhawa sakin, buong akala ko'y didiretsuhin na nila ako.

Natatakot ako at gusto kong maiyak, alam kong hindi ko agad sila sinabihan. Iyon ang pagkakamali ko na dapat ay ginawa ko na sana muna.

"Maayos naman pa."

"Wala naman bang nang-aapi sayo sa unibersidad na pinapasukan mo?" nalingon ako kay mama ng itanong niya iyon. Hindi ko na nais ipaalam ang tungkol doon dahil hindi naman na ako naaapi.


"Wala ma, ano ba naman kayo. Ang tatanda na namin para sa ganoong bagay."

"Matatanda? Hindi ba't doon naman kayo nag-umpisa ng batang falcon?" natigilan pa muna ako saglit bago mapakamot sa batok.

Paano nalaman ni mama 'yon?

May posibilidad ba na sinabi lahat ni ashong lahat ng nangyari sa amin?

"Hindi naman niya ako inaapi pa, masyado lang malaro si philip."

"Huwag mo ng ilihim pa ang lahat sa akin, wen. Nabanggit lahat ni philip sakin ang nangyari, kaya't tinatanong lamang kita kung walang nang-aapi sayo dahil anak mayaman 'yon at gwapo."


Naisara ko ang bibig bago umiling. "W-wala ma."

Napabuntong hininga siya. Nakatingin pa rin ito sa akin na para bang ang daming nais pang sabihin. Ngunit sumabat na si lola dahilan upang mawala ang tingin nila sakin.

"Kumain na muna kayo bago n'yo kausapin ang apo ko, huwag ninyo siyang pagalitan."

Bahagya kong kinagat ang dila dahil sa sinabing iyon ni lola. Lumambot ang puso ko dahil nawala panandalian ang aking kaba dahil alam kong sesegunda siya kung sakaling magalit sila sa akin.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon