Lola Perla Advice

160 17 3
                                    

Chapter 23

Winter Pov.



Walang naging maayos na pag-uusap sa pagitan namin ni mama sa cellphone ng umagang iyon. Agad din itong nagpaalam sa akin kaya't hindi ko rin nasabi ang aking side, base sa tinig ni mama kanina; galit ito at halatang dismayado sa akin.

Napabuntong hininga ako habang hindi maipalagay ang sarili bago ilapag ang nagawang kape para sakin. Alas nuebe na ngunit hindi na ako nakatanggap pang muli ng tawag mula kay mama. Hindi rin sumasagot sa mga mensahe ko si ashong, nag-aalala ako kung ano ng nangyayari doon.

Nahalata ni lola ang kabalisaan ko kaya't hindi na nito natiis mag-usisa.

"Anong problema mo apo?" naisara ko ang bibig. Nakatingin ako kay lola na may bakas na pagtataka rin sa aking kilos. "Mukhang may bumabagabag sa'yo?"

"Si ashong ho kasi." paunang anas ko na naging sanhi upang tuluyan kong makuha ang atensyon n'ya.

"Sino kamo?"

Napangiwi ako bago maalala na hindi pala pamilyar si lola sa bansag ko kay ashong. Naupo ako sa tabi n'ya, hindi nito inalis ang tingin sa akin dahil nais niyang malaman kung anong dahilan ng pagiging balisa ko.

"Nasa bahay po si philip ngayon, kinausap niya si mama at papa." nangunot ang noo ni lola. Kalaunan ay nag-iwas ito ng tingin bago tumango.

"Iyon lang ba? Anong problema doon kung pumaroon ang batang 'yon?"

"Sinagot ko na po si philip kagabi." hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa puntong katotohanan. Hindi ko nais malaman pa ni lola ang tungkol sa amin mula kay mama, ayokong tuluyan siyang magalit sa akin.


"Kagabi?" tumango ako. "Naabutan mo pa ba s'ya rito? Maaga na akong nakatulog, pero alas singko pa lang kahapon ay naghihintay na sa'yo ang batang 'yon." bumuntong hininga si lola matapos sabihin iyon. Naghihintay ako ng ikokomento n'ya tungkol sa pagsagot ko kay ashong ngunit wala itong sinabi. Sumimsim ito sa kanyang gatas, nanatiling iwas ang tingin sa akin.


"Ayos lang po ba sa inyo ang bagay na iyon, la?" muli ay bumaling siya sakin.

"Ang relasyon n'yo ba ang tinutukoy mo?"

Tumango ako. "Hindi ko po maiwasang mag-isip, alam ko pong nagkaroon ng nakaraan ang papa ko at mommy ni philip. Maaaring maging hadlang iyon sa relasyon namin, ngunit gusto ko po s'ya."

Tumitig si lola sa akin, mula sa mga mata niya. Nababasa kong naiintindihan ako nito, ngumiti siya sa unang pagkakataon.

"Kung mahal n'yo ang isa't isa, magiging maayos ang lahat." hindi nabura ang ngiti nito sa akin. "Kung iniisip mong hindi ayos sa akin ang relasyon n'yo, burahin mo na 'yon sa isip mo. Susuportahan kita kung saan ka masaya, pinagdaanan ko na iyan."


Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni lola. Nagpapasalamat ako dahil naiintindihan niya ako, ang relasyon namin ni ashong. Kahit papaano ay naging panatag na ang loob ko ng tuluyan.

"Huwag mong alalahanin ang nakaraan ng mga magulang n'yo. Nakaraan na iyon, kung may hindi man magandang nangyari noon. Magiging maayos din iyon sa darating na panahon."


Naniniwala ako sa salitang binitawan ni lola ng umagang iyon. Walang kalungkutan na hindi napapalitan ng saya, alam kong hihilom din ang sugat sa nakaraan. Kailangan ko lamang makausap ng maayos si mama at papa, maging si Mrs. Falcon.





LUNES na ng umaga noong makatanggap ako ng mensahe mula kay ashong. Isang simpleng good morning lang iyon, wala itong binanggit tungkol sa pagpunta niya sa bahay at kung anong nangyari doon kahapon.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now