PATAWAD

173 16 0
                                    

Chapter 7

Winter Pov.

Ito ang unang buwan ng pasukan sa fatima. Nitong nagdaang linggo ay walang lesson na naganap dahil nag-uumpisa pa lang ang pasukan.

Ngunit ngayon ay siguradong sasalubungin na kami ng maraming aralin.

Marami na naman ang magfofocus sa klase lalo na at eto na ang huling taon.

Diretso ang lakad ko papasok sa loob ng unibersidad. Dama ko ang kagalakan sa mga studyante habang nakakasabay ko sila sa paglalakad.

Hindi gaanong kalakasan ang hangin dahil may kainitan na agad ang sinag ng araw.

Hindi ko na pinansin ang bagong gusali na itinatayo sa gilid kung saan ako paliko.

Ngunit natigilan din ako ng makita kung sino ang taong makakasalubong ko sa hallway. Ang kasabikan sa aking sistema ay madaling napawi habang nakatingin ako rito.

Maayos ang kanyang uniform habang may diretsong tindig. Ang mga paa niya ay walang kupas sa paglalakad na para ba itong modelo.

Lahat ng nalalagpasan niyang studyante ay napapatili at hindi maiwasang tawagin ang kanyang pangalan.

"Ang gwapo naman ni philip ngayon."

"Oo nga, mas lalo siyang naging makisig ngayong taon."

"Inspired yata e."

"Pero parang ang sama ng awra niya today?"

Iyon lamang ang bulungan na naririnig ko sa kanila. Malapit ng dumaan si ashong sa akin habang nakatayo na lamang ako at natigilan sa paglalakad.

Ngunit imbes na huminto siya sa aking harapan upang ngitian ako ay hindi niya iyon ginawa. Hindi niya ako binati o kinausap man lang na madalas naman niyang gawin tuwing nagkikita kami.

Nilagpasan lamang niya ako na para akong stranghero. Na tila hindi ako nito kilala at parang walang kwentang bagay sa kanyang paningin.

Napalunok ako. Hindi ko magawang lingunin ang bulto niyang dumaan sa gilid ko dahil sa bumubukol sa aking lalamunan.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit ako nasasaktan? Ito rin naman ang gusto kong mangyari, ang iwasan niya ako at tigilan na.

Pinilit kong humugot ng mahabang buntong hininga upang pakalmahin ang sarili. Ilang beses kong ginawa iyon bago magpatuloy sa paglalakad.

Narating ko ang aming silid ng walang pagbabago sa nararamdaman ko. Parang naging matamlay ako bigla maging sa pag-upo ko sa aking pwesto.

Hindi ko na nakita si deborah dito. Wala din naman akong balita sa kanya at wala din naghahanap sa kanyang presensya. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy niya pa ba ang pag-aaral o baka mahuhuli lamang ito sa pag-eenroll.

Mas nanaisin ko rin Naman na hindi siya makasama dahil masama ang pakiramdam ko dito. Hindi naman ako manhid upang hindi maramdaman ang kanyang pagbabago. Lalo na ang pagkakagusto nito kay calix na nagdudulot na ng kasamaan sa kanyang pagkatao.

Napabuntong hininga ako.

Nabaling lamang ang atensyon ko dahil sa pagpasok ng aming professor.

May sinabi siya ukol sa OJT namin na kailangan paghandaan. Wala pa akong ideya kung saang skwelahan ako tutungo.

Hindi ako makapag-isip ng maayos kahit na nagsasalita na ang aming guro. Lumilipad lamang ang isip ko sa labas, gustuhin ko man pigilan ang sarili ay kusang pumapasok sa isip ko ang inakto ni ashong kanina.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon