Mother Fight.

157 15 0
                                    

Chapter 25

Ashton Philip Pov.

Alas sais ng gabi bago namin marating ang bahay nila winter, naabutan namin si lola perla na nasa labas ng bahay habang itinatabi nito ang mahabang walis.

Nakuha namin ang atensyon niya ng makapasok kami sa kanilang bakuran.

Naunang lumapit si winter bago namin segundahan ang pagmamano. Inabot ni lola perla ang kamay bago ito magtanong sa akin matapos kong mag-mano.

"Ginabi na kayo?" Ngumiti ako ng pilit.

"Hinintay ko pa pong makalabas si winter." lola perla nodded when i answered her, pasado alas singko na kasi ng lumabas si winter.

Alam kong marami silang ginagawa at gagawin pa dahil tulad ko ay graduating na rin ito.

"Ganun ba? Pumasok muna kayo sa loob." tumango ako kay lola, nauna siyang pumasok kasunod nito si winter na tahimik lamang.

Dumiretso kaming dalawa ni giovanni sa sala at doon naupo. Nagpaalam si winter na magbibihis muna na siyang tinanguan ko lamang.

"Gusto n'yo ba ng maiinom?" nag-alok si lola perla na siyang mahirap tanggihan, maganda ang aking ngiti bago tumango.

"Ako na ho ang gagawa para saming dalawa ng kaibigan ko." umiling ito sa sinabi ko.

"May nakagawa akong maiinom doon, hintayin ninyo na lang ako dito." nahihiya akong ngumiti kay lola perla. Hindi ko alam kung nasabi na ba ni winter ang relasyon namin dito.

Hindi ko din naman iyon naitatanong sa kanya dahil hindi ko siya nais pangunahan kung sakaling wala pa itong nababanggit kay lola perla.

Mabilis lamang ang pamamalit ni winter dahil natanawan ko na itong pababa ng hagdan. She's wearing a black pajama paired with a white tees. Itinali nito ang buhok niya, simple lang din ang dating nito ngunit kay ganda kahit hindi nag-effort ayusan.

"Gusto n'yo bang buksan ko ang tv?" nilingon ko si giovanni upang itanong kung nais niyang manood. Ngunit abala ito sa cellphone niya, nakangiti pa na parang wala lang siya sa ibang bahay.

Bumaling ako kay winter bago umiling. "Huwag na, tutulungan na lang kitang magluto."

"Do you know how to cook?" sumabat si giovanni sa sinabi ko, nilingon ko siya. Masama ang tingin.

"Ofcourse not, hindi mo ba narinig ang tanong ko? Tutulungan ko lang s'ya."

"How can you help her if you didn't know what to do?"

"Just stop asking, mas mabuting manahimik ka na lang." i rolled my eyes before looked back at winter. Ngumiti ako. "Anong lulutuin mo?"

"Kung ano ang nasa ref, magtitingin pa ako."

"Samahan na kita." tumayo ako bago dumating si lola perla, may dala na itong apat na baso at pitsel na naglalaman ng juice. Inilapag niya iyon sa gitnang mesa mismo sa tapat ni giovanni.

"Maraming salamat po." giovanni still have a good attituted even his j*rk sometimes, tinanguan lamang siya ni lola perla.

"Dito na kayo maghapunan."

"Opo." tumango ako.

"Gusto ko pong tikman ang luto ni winter."

"Hindi mo pa ba natitikman ang luto ng apo ko?"

"Natikman na ho, namiss ko nga e." sinulyapan ko si winter na ngayo'y masama ang tingin sa akin, napipilitan akong ngumiti bago muling harapin si lola. "Tutulungan ko lamang po siya sa kusina."

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now