MAHAL KITA

169 23 2
                                    

Chapter 21

Winter Pov.



Gabi na ng makatanggap ako ng mensahe mula kay ashong. Ngayon ko pa lang nahawakan ang cellphone dahil nag-usap pa kami ni lola sa ibaba kanina.

It's passed 7:00pm in the evening. Tinatanong niya ako kung kumain na ba ako, I reply to say yes, tinanong ko rin kung bakit gising pa ito at hindi natutulog. Ngunit isang tawag lang mula sa kanya ang natanggap ko.

Madalas naman niya akong tawagan, hindi ko lang mabatid sa sarili ko kung bakit minsan kinakabahan pa ako. Normal lang ba ito? Siguro oo, ito siguro ang pakiramdam na sinasabi nilang inlove ka sa isang tao. We're same feelings when we are talking, ang pagkaka-iba lang ay kaya kong kalmahin ang sarili ko di tulad niya.



"Hindi pa ako inaantok." aniya sa kabilang linya ng hindi ako sumasagot. Parang may kung ano lang na dumadaloy sa katawan ko habang naririnig ko ang paghinga niya sa kabilang linya. Iba rin ang tinig niya, napakalalim ng boses at hindi tulad ng ibang lalake.

"Are you still there?"

"O-oo."

"Why are you stuterring?"

"Malamig lang sa kwarto" niyakap ko ang unan bago tumagilid ng pwesto. Nakahiga na ako, malamig nga sa kwarto ngunit hindi naman iyon ang dahilan kung bakit nautal ako kanina.

"Same here." aniya. Malamya ang boses nito na parang may ibang naiisip pa. Nararamdaman ko lang iyon sa malungkot niyang boses, parang nabawasan ng bahagyang sigla.

"Ayos ka lang ba?" matagal bago siya sumagot sa kabilang linya. Paghinga lamang niya ang naririnig ko na para bang kumukuha pa ng lakas bago magsalita.

"Yeah..."


"Parang hindi, may problema ba?"

"Alam na alam mo talaga?" he asked me back, hindi sa alam ko. Ibang iba kasi ang boses niya pag masaya siya, para bang lahat ng salita niya ay may halong tuwa. Kakaiba lang talaga ngayong gabi, may halong lungkot at mabibigat ang kanyang paghinga.


"Meron nga? Anong nangyari?" tanong ko.

"Si mommy lang."

"Nag-away na naman kayo?"

"Were always fighting, anong bago?" he sighed again. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pinag-awayan nila. But i still want to convince him na huwag masyadong suwayin ang kanyang ina.

"Sundin mo na lang kung anong sinasabi ng mommy mo."

"Hindi ko magagawa 'yon."

"Tungkol saan ba iyan? Siguradong may sulusyon naman para huwag na kayong magtalo pa."


"Huwag na natin pang pag-usapan iyon, ayos lang ako. Ang importante ikaw."

Nangunot ang noo ko. "Anong ako?"

"Mahal kita."


Hindi agad ako nakahanap ng maisasagot sa sinabing iyon ni ashong. May halong gulat at kilig na namutawi sa sistema ko. Hindi ko maipaliwanag ang samut saring emosyon dahil lamang sa dalawang salita na ibinigkas niya.

"Hello, winter?"

"N-nandito pa ako." umayos ako ng paghiga sa pagsagot ko. Tumingin ako sa kisame at tuluyang pinapakalma ang nararamdaman.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon