FIRST TOUCH

237 22 2
                                    

Chapter 29

Winter Pov.

Nang araw na tumungo si ashong sa bahay, matapos ng kanilang research. Ginabi na ito ng uwi, ang sabi niya sakin. Wala naman daw rin siyang makakasama sa bahay kundi ang kasambahay niyang si yaya corazon. Ang iilan roon ay hindi naman daw niya nito kasundo. Nasabi nito sakin, abala pa rin ang mommy niyang si angelina sa pinuntahan nitong art event. Ang daddy niya ay nasa opisina at minsa'y nagpapalipas na ng umaga o hindi kaya naman ay doon na natutulog.


Wala akong maikomento matapos niyang sabihin iyon, alam ko naman na madalas maging abala ang mga magulang niya. Hindi tulad ng nakagawian ko, oras oras noon ay nakakasama ko sila mama at papa. Ni hindi sila nawawalay sakin kahit isang araw, ngayon lang na nag-aral ako dito sa manila.

Ngunit sa pagtatapos ko at sa oras na makapasa ako ng board exam. Muli na kaming maglalagi sa probinsya ni lola, nais lamang niyang patapusin ang anibersaryo ng pagkamatay ni lolo na natapos kamakailan lang.


Balak ng ibenta ni lola ang bahay na 'to pag nakauwi na kami ng probinsya. Marami man ang alaalang maiiwan rito, kinailangan na niyang gawin iyon upang tuluyan ng maging payapa ang kaisipan niya.

Nais rin ni lola sana na malayo ako rito, kahit hindi niya sabihin sakin. Alam kong may sakit ng loob siya kay angelina, sa ina ni ashong. Ngunit dahil iniintindi niya ako, hindi ito naglalabas ng kanyang saloobin.

"Class dismissed." madaling nagsitayuan ang mga classmate ko matapos mag-anunsyong dismissal na. Araw ng biyernes, maaga ang labasan ngayon dahil last day ng pasok. Nahuli akong lumabas habang tinitingnan ang aking cellphone kung may mensahe ba sakin si ashong.

Nakatanggap ako ng isa mula sa kanya, ang sabi nito. Baka alas singko pa ang labas nila dahil nag-aayos sila sa kanilang darating na OJT. Hindi ko alam kung saan siya tutungo upang mag training, ngunit sa tulad niyang falcon. Bihasa na ito sa negosyo ngunit kahit ganoon siya kabihasa, kailangan pa rin nitong tapusin ang oras na nilaan para sa kanilang training.

Nagreply akong mauuna na dahil alas kwatro na ngayon. Ayokong maghintay ng isang oras dito dahil sa haba ng oras na iyon ay marami na akong magagawa sa bahay.

Pababa pa lang ako ng hagdan ay agaran akong nakatanggap ng mensahe mula sa kanya.

"Don't you want to wait for me?"

Iyon ang reply niya, maya maya ay nakatanggap na naman ako ng isang sad emoji na para bang nagtatampo ito dahil mauuna na ako at hindi ko na siya hihintayin pa.

Napabuntong hininga ako, pilitin ko man magtigas. Hindi ko rin siya matiis, kaya't nagreply ako at sinabing hihintayin ko siya sa science garden malapit sa building nila.

Nakatanggap ako ng nakangiting emoji at...

"I love you.."


Napailing ako bago muling magpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na siya nireplyan, binulsa ko ang cellphone at dumiretso sa nasabing lugar kung saan ko nga ito hihintayin.

Mula sa garden na may patag na damo, tanaw ko ang silid nila ashong. Nakaupo ako sa pahabang upuan na may bilog na mesang gawa sa bato. Kulay kahel iyon at may bubong na ginawa rin sa bato na may hinulma na parang mushroom.


Mahangin sa bandang kinauupuan ko, dahil may silong mula sa puno ng narra. Hindi gaanong mainit kahit may kaonting sikat pa ng araw, presko ang paligid at napaka-sarap magbasa. Hinagilap ko ang notes na nasa aking bag, isinulat ko ito kaninang umaga upang may mabasa ako sa nagdaang leksyon kanina.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon