FIRST DATE

201 24 1
                                    

Chapter 19

Winter Pov.

Araw ng linggo.

Nakapag-simba kami ni lola ngayong umaga matapos naming mag-almusal. Sinamahan ko siyang mamili ng mga pagkain maging ng ilang tela na gagawin niyang punda. Madalas kasi itong manahi, iyon na ang ginagawang libangan ni lola simula ng mapag-isa ito sa bahay.

Nais ko ngang alukin si lola na tumungo na lamang ng probinsya at huwag na akong hintayin pang makapagtapos.

Ngunit hinihintay niya pa ang anibersaryo ng kamatayan ni lola.

"Gusto mo ba ito apo?" tinitigan ko ang hawak na blouse ni lola. Maayos naman at simple lang, kaso hindi ko gusto ang tela niya. May lace ito sa ilalim at iyon din ang hindi ko gusto.

"Huwag na po kayong mag-abala, la. Marami po akong damit sa bahay."

Binaba niya ang hawak na blouse. Bumuntong hininga siya bago nito ibalik iyon sa pagkaka-hanger.

"Ayaw mo ba ng bagong damit?"

"Hindi na po, la. Ayos lang."

"Halos pinaglumaan na iyong mga damit mo, malapit ka ng mag-graduate at hangga ngayon ay sinusuot mo pa rin iyon." bahagyang humaba ang nguso ko sa sinabi ni lola, hindi naman kasi ako mahilig bumili ng damit. Ayos lang sa akin ang mga damit na siyang ginagamit kong pang-araw araw.

"Pag may sarili na akong trabaho, la. Gamitin niyo na lang ang perang ipagbibili niyo diyan."

"Iyon ba ang iniisip mo? Kung ganon, kukunin ko na 'to."

Muling kinuha ni lola ang blouse, tinanggal na niya iyon sa pagkakahanger at agarang isinabit sa kanyang braso. Wala na lang akong nagawa, alam kong sasakit lang ang loob ni lola sa oras na tumanggi pa ako.

Bumili din si lola ng ilang bistida niya pambahay, binili niya ako ng pabango na hindi ko naman din inayawan. Si lola lahat ang nagbayad at ako ang nagdala matapos namin umalis sa pila.

Nasa labas na kami ng malaking marketing kung saan naghihintay kami ng jeep na masasakyan, walang gaanong dumadaan na taxi o tricycle dito dahil karamihan ay jeep lang na puno ng mga pasahero.

Hindi pa naman gaanong kainitan, alas nuebe pa lang siguro ng umaga dahil medyo malamig pa ang sinag ng araw.

Tumabi kami sa gilid ng may pumaradang kotse doon. Huminto siya malapit sa amin bago bumukas ang pintuan nito.

Hindi ko naman inaasahang si ashong ang lalabas doon. Iba na naman kasi ang gamit n'yang kotse, hindi ito nakabihis pang-alis kundi isa lang jogger pants at jacket na may hood.

Lumapit siya sa amin at madaling nagmano kay lola. Ngumiti ito sa akin bago mapansin ang mga dala ko.

"Naghihintay ba kayo ng masasakyan? Ihahatid ko na kayo." Aniya bago sapilitang kunin ang mga dala kong plastic bag. Hindi na ako umangal pa ng kunin niya iyon. Hindi rin naman nakasagot si lola dahil ipinasok na niya iyon sa likuran ng kotse.

"Mabuti na lang at napadaan ka." ani lola ng  tumungo kami sa backseat. Ngumiti si ashong bago sumagot.

"Bumili lang po ako dito malapit sa bookstore, nagtingin din ako ng bagong laptop."

"Wala ka na bang pupuntahan?" umiling si ashong sa tanong ni lola.

"Pupunta ho sana ako sa inyo, pero nakita ko na kayo dito.."

Tumama ang tingin niya sakin habang nakayuko sa pintuan, iniwas ko lamang ang tingin. May sinabi pa si lola rito ngunit hindi ko na siya muling tiningnan pa. Umikot rin ito upang tumungo sa driverseat, binuhay niya ang makina at banayad na nagmaneho.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now