PAST AND PRESENT

155 13 0
                                    

Chapter 17

Third Person Pov.

Biyernes ng umaga sa paaralan ng elementarya ay abalang nag-aayos ng mga test paper si winter. Oras ng recess at halos lahat ng studyante ay abalang kumakain.

Wala itong oras kumain dahil abala siya sa kanyang ginagawa. Nakaupo ito malapit sa teacher desk habang ipinapaloob niya ang mga papel sa hawak niyang long plastik envelop.

Nasa trentang studyante ang kanyang binabantayan ngayon dahil abala rin ang gurong naka-assign sa mga grade three students.

Hindi naman ganoong ka-stress ang dalaga dahil nag-eenjoy pa nga ito sa kanyang ginagawa.

Inilapag niya sa lamesa ang envelop na hawak dahil balak niyang i-uwi iyon upang sa bahay na lamang gawin ang trabaho.


Sa pagtayo nito ay may lumapit na lalakeng studyante sa kanya. Agad niya itong niyukuan dahil halatang may sasabihin ito.

"Pinapatawag po kayo ni kuyang pogi." nangunot ang noo ni winter dahil sa sinabi ng kanyang studyante. Sumulyap ito sa bintana ng ituro ng studyante ang pwesto ni philip malapit sa flagpole.

Napabuntong hininga ang dalaga bago paupuin ang bata upang magpatuloy na sa pagkain.

Lumakad si winter patungong pintuan at doon tinanaw si philip na senesenyasan siyang lumapit.

Umiling si winter. Hindi niya maaaring iwanan ang mga bata dahil siya ngayon ang bantay dito. Idagdag mo pa na ilang minuto na lang ay matatapos na ang recess ng mga bata.


Tanaw ng dalaga kung paano magsalubong ang kilay ni philip. Hindi niya iyon pinansin, sobra kung malukot ang kanyang mukha bago niya makita ang pagdukot nito sa bulsa.

Nagtitipa ang binata sa kanyang cellphone bago makatanggap ng mensahe si winter. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang suot at doon nga nakita nito ang text message ni philip.

'Wala na kaming klase'

Iyon ang laman ng mensaheng ipinasa ng binata. Nagtipa si winter ng reply na lalong nagpalukot sa mukha ng binata.

'Kung ganon, bakit hindi ka pa umuwi?'


Mabilis siyang nakatanggap ng reply habang nananatiling nakatayo mismo sa pintuan.

'Pinuntahan nga kita, hindi rin naman pala kita malalapitan'

'Busy ako. Hindi ako pwedeng lumabas'

Iyon ang i-sinend ni winter bago niya ibulsa ang cellphone. Binalingan pa muna niya si philip bago silipin ang relo sa kanyang kamay.

Alas nuebe y' medya na at oras na para bigyan ng lessons ang mga bata. Sinenyasan niya si philip na papasok na ito sa loob ngunit wala man lang binigay na reaksyon ang binata.

Nakasimangot pa rin dahil hindi siya nilapitan ng dalaga.

Sa paglalakad ni winter patungong harapan ay sinusulyapan pa nito ang binata. Naroon pa rin siya sa kinatatayuan habang palinga-linga ang ulo. Wala ba siyang balak umalis? Naitanong iyon ni winter sa isip habang naiiling na kinuha ang stick upang i-discuss ang nakasulat sa blackboard.

Buong umaga ay iyon ang ginawa ng dalaga. Nagbigay ito ng short quiz dahil mukhang naiintindihan naman ng mga bata ang kanyang diniscuss sa harapan.

Alas dose ng palabasin niya ang mga bata upang kumain na. Ang mga ibang studyante ay nagsi-uwian na muna dahil may kanya-kanya silang service. Samantalang siya ay naiwan sa loob upang magwalis at ayusin ang mga nagulong upuan.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon