DEFEND HER

142 18 0
                                    

Chapter 20

Philip Pov.


Matapos ng araw na ihatid ko si winter sa bahay ay ilang araw muli bago kami magkita. Naging masaya ang unang paglabas namin noong linggo, hindi ko iyon makakalimutan na halos napapangiti na lang akong mag-isa sa tuwing naaalala ko.

I know this is too much, pero masama ba kung magmahal ng sobra? Hindi ko na iyon kinokorkula pa, ayos lang sa akin kung mahalin ko ng todo si winter. That's what i want, ako ang mas lamang sa kanya. gusto ko mas mahal ko siya, gusto ko ako ang todo mag effort kung sakaling sagutin niya ako.

I've been busy on our thesis this past few weeks, binibisita ko naman na si winter pero hindi kami nagkakasama ng matagal.

I want to perfect our research, gusto ko makuha ang best para sa kanya. I want a certicifate after this. Alam kong maiintindihan naman ni winter ang pagiging abala ko, she's busy too on her OJT. Pagod rin ito pag-uwi kaya hindi na ako bumibisita pa sa bahay nila. Diretso uwi na rin ako tuwing natatapos kami ng aming grupo, sa unibersidad din kami naglalagi tuwing inaasikaso ang thesis. Medyo stressful pero ayos lang naman dahil inspired ako.


Araw ng biyernes ilang buwan ang lumipas, tinungo ko ang paaralan kung saan palabas na si winter sa silid. Ang pagkaka-alam ko ay ito ang huling araw ng kanilang OJT. Nais ko lang siyang makita bago umuwi, kailangan ko rin kasing maghanda para bukas sa gagawin namin defense presentation.

Banayad lamang ang paglalakad niya patungo sa pwesto ko, She's wearing the blue uniform with a short skirt. Her hair is shinning while waving on air, medyo mahaba na ang buhok ni winter na lalong bumabagay sa kanya. Hindi siya gaanong katabaan but it's fit on her shape, sakto lang sa taas niya. Tugma rin ito sa hugis ng mukha niya, her eyes have a fierce look. Medyo singkit iyon at maayos ang pagkakahulma, her nose is pointed. Ang ganda lang ng babaeng gusto ko.

"Tapos na ba ang OJT mo?" iyon ang naitanong ko habang diretso lang siyang nakatayo sa harapan ko.

Tumango siya. "Oo" aniya habang sinisipat ang dala kong kotse, ngumiti ako ng bumaling muli siya sakin.

"Pwedeng ako naman ang turuan mo?"

Naging tuwid lalo ang pagtayo nito. "Tungkol saan?"

"Turuan mo akong maging kalmado pag kaharap ka." Natawa siya bago mag-iwas ng tingin, ibinalik rin niya ang mata sa akin na ngayo'y seryoso na.

"Mukhang kalmado ka naman ngayon."

Umiling ako. Hindi iyon ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita siya, hindi tulad niya. Hindi ko ito gaanong nakikitaan ng emosyon, ngumingiti naman siya minsan. Ngunit madalas ay seryoso siya.

"Hindi winter, kung alam mo lang. Yung puso ko, tumatalon sa loob."

Nangisi siya. "Hindi kaya lumabas yan?"

Sumama lang ang tingin ko dahil sa sinabi niya, ang ganda talaga niyang kausap. Sinisira niya ang moment na dapat sasakyan lang niya kung anong sinasabi ko.

"Kinakausap kita ng maayos, winter."

"Maayos din naman ang pagkakatanong ko, ashong. Ang sagot mo ang hindi."

Kumibot ang labi ko sa sinabi niya, hindi ba maayos ang sagot ko? "Totoong iyon ang nararamdaman ko, bakit ba masyado mo akong pinaprangka?"

"Sinasabi ko lang kung anong totoo."

"Bakit ba hindi mo na lang ako sakyan?"

"At bakit kita sasakyan?"

Napapikit ako. "Ang sinasabi ko, winter. D*mn, why are you so slow?"

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now