Her Parents Past

215 22 2
                                    

Chapter 1

Winter Pov.

Hindi ako mapakali sa loob ng kwarto habang may sinasabi sa akin si calix tungkol sa mga litratong dala niya ngayon.

Nakapaloob iyon sa isang kahon habang iniisa-isa niya iyon sa akin.

”You told me earlier about this old photos right?” tumango ako. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya dahil hindi ako makaupo sa kama.

Iniisip ko si ashong doon, kung kumportable pa ba ito sa tagal na niyang nakayuko.

Ilagay mo na lang diyan, titingnan ko mamaya..”

Iyon ang sinabi ko kay calix na siyang nagpatigil sa paghahalungkat nito sa kahon. Inilapag niya ang hawak bago tumitig sa akin.

”I thought you want to see this?”

”Oo, pero kasi. May gagawin pa ako, mamaya ko na lamang iyan titingnan..”

”Naaabala ba kita?” umiling ako bago ngumiti.

”Hindi naman, maliligo lang ako dahil kakauwi ko lang mula sa farm.” tumango si calix bago tuluyang isara ang kahon na nasa gilid niya.

”Hihintayin na lang ba kita sa rest house?”

”Oo, Doon mo na lamang ako hintayin.”

Muli siyang tumango-tango. Itinabi nito ang box sa gilid ng kama bago muling tumingin sa akin. Sa nakikita ko ay may nais siyang sabihin ngunit halatang nag-aalinlangan ito. Bumuntong hininga siya.

”Maaari ba kitang imbitahan sa bahay?”

”Ngayon?”

”No, sa pasko sana. Gusto lang kasi ni mommy na makasama ka sa bahay..” hindi ako nakasagot kay calix. Wala din naman akong gagawin sa pasko dahil mananatili lamang ako rito kasama ang aking pamilya.

Ngunit hindi ko pa alam ang kaganapan na mangyayari sa susunod na linggo.

Next week na ang pasko, wala pa akong plano at hindi ko alam kung magkakaroon ba ako ng plano.

”Gusto din naman kitang makasama, gabi naman iyon. Ipagpapaalam kita kay tito..”

”Sige. Kung iyon ang gusto mo.” ngumiti siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila upang maupo sa tabi niya.

Hindi ko alam kung anong iaakto sa harapan ni calix. Hindi ito ang unang beses na nagsama kami sa iisang kwarto. Madalas siya rito, noong nasa highschool pa kami ay magkasama naming tinatapos ang aming takdang aralin dito sa kwartong ito.

May tiwala sila mama at erpats kay calix. Ngunit dahil nagbago na ang status namin ngayon ng dati kong kababata ay hindi na ako nagiging kumportable pa.

Lalo na ngayong alam kong nasa ilalim ng kama si ashong at baka bigla na lamang siyang topakin at gumawa ng ingay.

”You give me a early christmas gift, wen. Im happy today..” seryoso si calix habang nakatingin sa akin. Kung dati ay namumula ako sa tuwing tinititigan niya ako ng ganito.
Ngunit hindi ko alam kung bakit ayos lang sa akin ngayon. Hindi ako naaapektuhan sa malambing niyang boses.

Anong nangyayari sa akin?

”We supposed to celebrate our 3rd month this 25th of december. Did you still remember?”

Tumango ako.

Tatlong buwan na pala kami. Napaka-bilis at hindi ko akalaing aabot kami sa ganitong relasyon. Ito ang gusto ko noon, ngunit napatunayan ko sa aking sarili na bukod tanging paghanga lamang pala ang nararamdaman ko kay calix.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon