DARK SECRET

166 15 1
                                    

Chapter 13

Winter Pov.

"Perlicida?" natigilan ako sa paghakbang ng marinig ang boses ni angelina. Nanatili akong nakatayo malapit sa pintuan dahil sa pagbigkas niya sa pangalan ni lola perla.

Hindi ko inaasahang makakauwi agad si lola at talagang sinadya ng tadhanang pagtagpuin ang landas nila ni mrs falcon.

Naghihintay ako sa susunod na mangyari habang tila'y inuod na ang aking paa dahil sa hindi ko na ito maihakbang pa.

"Anong nangyari?" I heard lola perla voice. She was asking her with full of curiousity about what happening.

"Ikaw ba ang nagmamay-ari sa paupahang ito?" muli ay tinig iyon ni angelina. Tuluyan ko ng iginalaw ang aking paa upang masilayan ng tuluyan kung ano na ang kaganap sa labas.

Nasa tapat pa rin ng pinto si angelina kaya't nakasilip lamang ako. Hindi ako tuluyang makalabas habang sinusuri ko ang ekspresyon ni lola.

"Ako ang lola ni winter." abot tahip ang kaba ko sa isinagot ni lola. Tahimik ang naging sukli sa kasagutang ibinigay nito, kalaunan ay tumango si angelina ngunit wala akong ideya kung ano nga ba ang naging reaksyon niya sa nalaman.

"Napaka-liit nga naman ng mundo." she commented. Bahagyang natutuwa ang tinig ngunit may halong sarkasmo. "Hindi ko ito inaasahan. Well, mabigat ang loob ko sa apo niyo. Kanino ba siya anak?"

Napalunok ako. Alam 'kong may pagka-prangka na itong si angelina. Ngunit hindi ako ganito makipag-usap sa matanda. Walang respeto, ngunit tila may pinaghuhugutan ito na hangga ngayon ay hindi niya pa nakakalimutan.

"Anak siya ni henry."

Nag-iwas ng tingin si angelina bago matawa. Alam 'kong nakakagulat na malamang anak ako ng naging kasintahan niya. Nang isang lalakeng pinagtaksilan siya at ako mismo ang naging bunga.


"May ideya na ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya sa tuwing magkikita kami, anak pala siya ni elena."


Mabibigat ang aking paghinga habang nakayukong nakatingin sa aking paa. Hindi ko man ramdam kung gaano masaktan o pagtaksilan ngunit nararapat lamang na kalimutan na iyon dahil nakalipas na, may kanya-kanya na silang buhay at ang nangyari sa nakaraan ay isang aral lamang iyon o sadyang nakatadhana nga na mangyari ang bagay na hindi kagustuhan ng lahat.

"Siya ang nag-iisang anak ni elena at henry.." ani lola. Hindi na nagbigay komento pa si angelina habang iwas na ang tingin kay lola. "Maging kami ay nagulat ng malamang isang falcon ang batang ito. Napalapit na siya sa amin, kaya't ng humingi siya ng tulong ay hindi na ako nag-alinlangan pang tulungan siya dahil anak mo ito."

Bumuntong hininga si angelina. "I'm sorry about my son behaviour. Pagsasabihan ko na lamang siya sa bahay."

"Hindi siya naging problema dito, Hija."

"Matigas ang ulo ng anak ko. Kilala ko siya, ngunit nagpapasalamat ako dahil hindi niyo siya pinabayaan."

"Ang apo ko ang siyang nakaantabay sa kanya." natahimik si angelina sa isinagot ni lola. Ni hindi niya ako binalingan ng tingin dahil hindi niya talaga ako nais tingnan.

Nararamdaman ko iyon kahit hindi niya sabihin.

"Mauuna na kami, salamat at hinayaan niyong manatili ang anak ko dito. Mag-iiwan ako ng tao dito upang bayaran ang bahay na kanyang tinirhan." hindi na nagbigay imik si lola ng lumakad na ito paalis. Sumakay siya ng kotse kung saan may guwardya na naghihintay sa pagpasok ni ashong.

After, we fall COMPLETED SEASON2 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon