Entry #78

2.2K 83 1
                                    


Dear Crush,


Sinasamahan mo na rin kami ni Karlo na mag-jogging kada madaling araw. Ganon na ba tayo ka-close? Siguro oo! Ay teka, hindi na siguro dahil alam 'kong oo na! Ayiiee! Grabe ka crush, kulang na lang na malaglag ang panga ko at tumulo ang laway ko everytime na papahiran mo na ang pawis mo. Ang pogi pogi mo!


Bakit ka ba ganyan crush! Napapangiti ako ng husto sa'yo! Hindi kaya ako ma-stroke nito? Parati na lang kasi bumibilis ang tibok ng puso ko, ibig sabihin maraming dugo ang nadadagdag sa katawan ko kada minuto. Magiging high-blood na ata ako nito e!


May lumapit saaking chinito kanina nung nagjogging tayo, may itsura naman---I mean gwapo si Kuya chinito dahil 'yong ibang babae na nagjojogging ay parang wala ng kaluluwa nung makita si Kuya, pwede na silang tangayin ng hangin sa sobrang lutaw! Kinindatan ako ni Kuya chinito pero hindi ako nakaimik. Hindi dahil... for the first time na nasaksihan ng mga mata ko kung paano ka magselos.


Hinila mo ko papalayo(muntik pa nating maiwan si Karlo buti nakahabol siya). Iiwas ka habang namumula, mula leeg papuntang tenga! Parang ayaw mo 'kong pansinin matapos hilain. Imbes na magalit ako sa'yo, alam mo bang mas natuwa ako? Ang cute mo pa lang magselos! Ganito rin ang ginawa mo noon pero ito ay na witness ko talaga! Pwede bang ibalik 'yong nakaraan? Nong nagselos ka kay Dan? Gusto 'kong makita ang itsura mong cute na cute crush!


Hindi mo ako natiis, pinansin mo pa rin ako sa huli. Hindi ka rin nagpatalo at kinindatan mo ko bago ka tumakbo palayo. Shems. Pinagpawisan ako sa ginawa mo habang inaatake sa kilig. Sangbaldeng dugo ang nadagdag sa katawan ko sa ginawa mo.


Kyaa! Feel na feel ko tuloyng ang ganda ko! Mas maganda pa kay Steff! Ako na ang pinaka-maganda! Haba ng hair ko! Mas mahaba pa kay Rapunzel ng Tangled!


- Crash

Dear CrushWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu