Entry #28

3.1K 99 2
                                    


Dear Crush,


Matagal-tagal ko na palang hindi naopen si facebook? Kasi, simula nung nag-floodlikes ako sa'yo ay natatakot ako na baka mag-message ka sa'kin tapos sabihin mo na 'thank you sa fl :)'. Tapos mababaliw ako kakaisip kung anong pwedeng ireply, alangan namang iisnob kita. Kawawa ka naman pag nangyari 'yun. But I'm glad... or sad? Ewan lang crush, kahit mismo ako ay naguguluhan saaking sarili eh. Bakit hindi ka nag-thank you? Wala ka bang pake sa mga na-like ko?


Siguro takot ka lang na patulan ang isang weird na tao. O di naman kaya ay hindi nag-appear sa notifs mo? Sana ganun na lang! Pero don't worry, okay lang naman eh. Naiintindihan kita. Kahit nga ako ay minsan lang nagti-thank you pag may nagfloodlikes sa timeline ko. Kaya okay lang yan, wag kang maguilty ha?


Teka, alam mo ba crush na pag-open ko saaking fb account kanina ay nalaman 'kong nagfriend request pala saakin si Khin? Yep! Inaccept ko naman. Magkapatid nga kayo crush, parehong cartoon character ang dp niyo eh. Pag-accept ko, hindi ko alam na online pala siya sa mga panahong iyon kaya nga nagulat ako ng may biglang nag-message saakin.


Binuksan ko naman aking messenger at pagbukas ko...


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now