Entry #43

2.8K 100 10
                                    


Dear Crush,


Nagstrolling-strolling ako sa Mall kanina. Pagkatapos ko sa Department Store ay pumunta na naman ako sa mga School supplies. Mag-isa lang ako. Single for life. Solo not forever but forevermore. Alone to infinity and beyond.


Bumili ako ng mga gamit don para sa gagawin kong scrapbook na proyekto namin. Nakalimutan ko bang sabihin sa iyo? Mahilig rin pala ako sa designing! Bukod sa drawing atsaka painting, marunong din ako sa designing. Pagkatapos kong magbayad sa cashier ay nakita ko yong part ng mga school supplies kung saan naka-display ang maraming poster color atsaka canvas, watercolors, paintbrushes at marami pang involve kay art! Waaah! Gusto kong bilhin silang lahat!


Kaso wala na akong pera. Pero kahit yong canvas lang muna! Aish! Napanguso ako sa pagkadismaya nung nalaman kong 150 na lang ang natitira saaking bulsa. Paano ko ba ginastos yong pera na binigay ni Papa? Grabe! Pang-taxi na lang ito! I need explanation! Malungkot akong nilisan ang store ng school supplies. Nasa may escalator na ako ng bigla akong kinalabit ni...


Khin Ralf Whyte.


Nastarstruck ako. Sobra akong na shock. Si Khin? Bat niya ako kinalab---inabot niya ang isang canvas. Wala akong nasabi. Ang cute niya kasi, kasi hindi siya makatingin saakin habang inaabot ang canvas. Sa kapal ng mukha ko ay kinuha ko naman iyon, bigay niya ba ito? Ay malamang. Magti-thank you na sana ako kaso bigla na lang siyang tumakbo na parang si turbo.


Ang bilis ng tibok ng puso ko... shock nga ako. Teka, bat feeling ko ang astig niyang tignan? Humaygaad! Bakit ganon si Khin crush?!


- Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon