Entry #13

4.2K 124 19
                                    


Dear Crush,


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapag-isip ng matino. Kinonfirm mo ang request ko. SHUCKS! SA PAGKA-AALALA KO KINONFIRM MO 'YUN WAAAH! Pero bakit crush? Hindi ka ba napangitan sa mukha nung nasa Dp? Kung sabagay, sana hindi nga dahil yun pa naman ang pinakabest-picture ko, tinanong ko pa nga kay Karlo kung appropriate bang i-profile yun at um-oo naman siya kaya ganun.


Crush cruuush! Hindi ko rin kayang iopen ang aking fb account kagabi kasi natatakot ako, natatakot ako na baka makita ko 'yung green dot sa tabi ng gwapong pangalan mo. Na baka online ka? Waaah! Kinonfirm mo kasi! May big possibility na mababasa mo na ang mga ka-OAhan ko sa status, indirect yung mga pagkakasabi pero lahat ng 'yun para sa'yo!


Shucks! Nubayan! Ang gulo-gulo ng utak ko! Parang these past few days hinihiling ko sa shooting stars na sana maging friends na tayo sa fb tapos ngayong naconfirm mo na, parang gusto kong bawiin na gusto ko :3


Pero isa lang ang hindi magulo, masaya ako. Sobrang saya ko na parang maiiyak na ako! Huhuhu. Kaya lang crush, kanina sa school ay 'di kita nakita. Sawi tuloy akong umuwi sa bahay namin.


Asan ba kasi you? Looking for me? Ay tama pala, hindi mo pa ako kilala :(


- Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon