Entry #3

10K 218 12
                                    

Dear Crush,


Alam mo ba Crush na nakita kita kanina sa classroom niyo? Buti na lang talaga at hindi kita nahuling may kausap na babae kundi, wala lang. Ang cute mo kasi nahuli  kitang ngumiti! Yiie! Ang saya-saya nga ng buong araw ko ngayon kasi nakita kita ulit sa Mapeh class! Yay! Kaya nga 'di matanggal ang malapad 'kong ngiti hanggang sa umuwi na lang ako sa bahay. Napagkamalan pa nga akong naka-drugs sabi nung epal na kapatid ko =_= Alam ko naman na ma'y hint ang epal na 'yun kung bakit ako mukang shunga kanina eh, hindi lang niya gustong aminin. Nandidiri raw kasi siya. Sus! As if namang hindi siya nakaranas ng mga ganito ngayong malapit na siyang mag-Sophomore.


Kaya lang, walang klase bukas. Ba't ba kasi nauso ang holiday? :(


- Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon