Entry #9

4.8K 120 3
                                    


Dear Crush,


Monday na pala crush! Ang bilis ng time, parang kahapon ko lang ineenjoy si Friday eh. Kahapon ko lang ineenjoy yung moment natin sa National Bookstore. But it's okay! Schooldays/Weekdays means makikita ulit kita! Nyehehe. Kaso, badtrip ako ngayon! Sobra! Bakit ba kasi ang tanga ng kamay ko? Bigla niyang nabitawan ang CP ng little bro ko! Huhu nasira tuloy! It kills the inside of me, napagalitan nga ako ni Papa. Ang careless ko raw, tama naman siya eh.


Kaloka rin yung quiz namin sa Vocabulary! Letter K pa naman sana, favorite letter ko pero dahil sa pagiging windang, MALI YUNG SPELLING KO! Ang score ko? 9/10! Diba ang saklap? Okay sana kung 2, 3, 4, or 5 ang aking mistakes pero one lang? Masakit sa kalooban 'yun! Promise! Di ako makaka-open sa'king FB ngayon kasi badtrip pa ako, bukas ng gabi na lang siguro.


Hintayin mo ang friend request ko ha?


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now