Kriselly

2.9K 120 51
                                    

Kriselly


Iniisip ko pa lang na isusulat 'yon ay parang nanginginig ang buong sistema ko sa sakit. Masakit sa isipan at lalo na sa puso pag 'yon ang dadagdag sa entry ko. Makabuluhan? No! Hindi ako papayag! Ayaw ko!


Ayaw ko...


"Umiiyak ka? Ate Lly!"


Napaluha pala ako. Ba't ako umiiyak? Kainis. Nakakainis. Bakit ako umiiyak? Kasi nasasaktan ako? Oo nasasaktan ako. Sobra. Ang sikip-sikip sa pakiramdam. Hindi ka makahinga.


"Kriselly... tahan na." sabi ni Joy at hinimas 'yong likod ko.


Pinilit kong ngumiti, 'yon ang masakit. Ang pilitin ang sarili mo na ngumiti para tumigil sa pag-agos ang luha mo.


"Hindi n-naman ako umiiyak. Ano ba kayo."


Pinunasan ko aking luha. Napaluha lang naman ako dahil ayaw kong yon ang isulat sa another entry.


Nakabalik na sina Steff at Khin.


"Guuuys! May naisip ako! Maglalaro tayo!" masayang sabi ni Steff.


"Ano yun?" tanong ni Khin.


"Mag lalaro tayo ng ‘I love you because’! Napanood ko kasi 'yon sa Diary of a Wimpy Kid, feeling 'kong magandang laruin. Ano? Game ba kayo?" nangingiti na sabi niya.


Nagkatinginan muna kaming lahat at balik kay Steff. Alam namin ni Karlo ang larong 'yan. Nanonood din kasi kami ng Diary of a Wimpy Kid. Naging crush ko nga si Zachary Gordon dahil sa movie na 'yon.


"Game!"


Actually ayaw ko, pero ayaw ko ring maging KJ sa outing na ito kaya sasali na rin ako.


"Sali ka ha?" imbita ko kay Joy nung medyo ok na 'yong pakiramdam ko.


"Sige, pero ikaw lang ang kakilala ko dito, paano 'yan?"


"Sikapin mong tumuro ang arrow saakin."


Nagmake-face siya.


"Joooke! Hahaha!"


Napatawa tuloy ako.


"Ano nga?"


"Wag kang mag-alala, hangga't may maidahilan ka ay hindi ka matatalo."


"Ahh sige!"


Humanap muna kami ng plain na lugar. Napadpad kami sa isang lawn na may bermuda grass. Hindi masyadong madilim dito dahil may ilaw na nanggagaling sa poste. Napatingala ako, napangiti ako saaking nakita. Full moon pala tapos ang daming stars. Umihip ang malakas at malamig na hangin. Perfect.


Pumwesto na kami, umupo sa bermuda grass at naform kami into a flower. Lima kasi kami, parang five petals.


Nilagay ni Steff yung parang compass sa gitna pero walang takip para maikot 'yong arrow. Hindi siya prepared. Paano niya kaya binitbit 'yan? Hindi ko kasi nakita kanina.


"Sinong gustong mauna?" sabi ni Steff, nilingon niya kaming lahat, "pero i-change natin into tagalog, instead na ‘I love you because’ gawin natin itong ‘Mahal kita kasi’ para mas damang-dama."


Tumango na lang kami.


Walang sumagot sa unang tanong niya. Ayokong mauna, paano pag tumama kay Khin 'yong arrow? Anong idadahilan ko?


Dear CrushWhere stories live. Discover now