Kriselly

2.8K 92 18
                                    


Kriselly


Nilibot-libot ko aking paningin sa buong covered court at baka mahanap ng aking mata ang batang anak ni mama at papa na lalaki, si Karlo. Para hindi ako medyo ma out of place sa lugar na ito ay timing ring nagparamdam si Unknown number.


Unknown number? Baka si Klui Renz ito! Humaygad! Pag nangyari yon, baka maging crush ko siya ulit! Pero depende din, mukang wala na talaga kasi. Bakit ba kasi ayaw pa niyang umamin? Haay.


"Oi Rhare! Nandiyan ka pala?" narinig kong sabi ni Dan. Dan Fuentes na ex-crush ko.


Psh. Bat niya ba ako pinapansin? Kung noon halos mamuyat-muyat na lang ako palagi para ihiling kay 11:11 na magpakasal kami nito, ngayon iba na. Aside sa di ko na siya crush, mayabang siya. Turn OFF lotion ako!


"Ahhh wala lang." nahihiyang sabi ko.


"Pwede ba yon?" lumapit siya sakin at umupo sa bleachers katabi ko.


"Anong ginagawa mo Dan? Balik ka na sa room." saway ko sakanya dahil medyo ang lapit niya kasi.


"Bawal na bang tumabi sayo?"


"Okay lang naman, kaso baka makita ako ng kapatid ko at baka ano pa ang isipin niya. Lalo na yong classmates natin! Tutuksuhin na naman tayo nila."


Ayoko ko kasi sa mga tukso-tukso na yan! Bakit? Dahil ako yong tipong babae na madaling mahulog. At yes, kaya ko lang siya nacrush dahil naging loveteam kami sa room. At hindi ko gusto yon.


"Kung ganon, eh di sabihin natin sa kapatid mo na boyfriend mo ko. Diba maganda yon?"


Nilingon ko siya at tinansya kong seryoso ba siya sa pinagsasabi niya. Wala. Hindi seryoso, mayabang oo.


"Alis ka na. Ayaw ko sayo." mahina kong sabi pero di ko alam na narinig niya pala.


Hindi ko namalayang lumapit pala siya sa may tenga ko at bumulong. Yong labi niya medyo dumampi sa tenga ko. Nakakakilabot kaya halos nanindig ang mga balahibo ko!


"Crush mo kaya ako."


Napakalungkot ng buhay oo, alam niyang naging crush ko siya. Kaya siguro ganon na lang siya makapagyabang, ang hindi niya alam ay ex na. Ex! Ang yabang nito!


"Crush mo your faac---"


Naputol ang sasabihin ko dahil sa tatlo kong makukulit na classmates.


"Guys! Ang Danlly magkasama! Uwaaah!"


"Picturan natin! Iupload natin mamaya sa facebook!"


"Dali-dali! Asan camera mo? Naiwan ko aking phone sa bag! Bilis! Shems! Kinikilig ako sakanila!"


"Ayiiieee! Show us the love! Uwaaah!"


Halos magtinginan ang mga estudyante sa court saamin. Nakakahiya! Ang nakaka-inis pa ay ang lalaking ito ay inakbayan ako at nagsmile sa camera.


"Kriselly! Tingin ka dito!" kilig na sabi nung isa. Ayaw!


"Rhare! Wag kang sumimangot! Ang cute cute niyong dalawa! Waaah! Sana magpakasal na kayo! Happy couple talaga kayo! Wiee! " at sa sobrang kilig niya ay hinampas niya ang isa ko pang classmate.


Eh kung kayo kaya sa pwesto ko? Ano!


"Chill lang! Aabot din kami sa panahong iyan! Hahaha." mayabang na sabi ni Fuentes.


Sasagot sana ako ng naramdaman kong nag-vibrate aking phone at may isang text message akong nabasa.


Napatayo ako ng wala sa oras.


_____________

1 New Message

From: Unknown Number

Siya ba hinihintay mo Kriselly?

Kaya pala :(

_____________


Hala! Anong ibig niyang sabihin? Di kaya... nakikita niya ako ngayon? At sinong tinutukoy niya? Si... si Dan ba?


So schoolmate ko nga siya! Gad! Asan siya?


Halos hindi ako mapakali at tiningnan ang buong covered court. Hindi ko pa nakikita ang kapatid ko.


"Oh? Anong nangyari Rhare?" tumayo rin si Dan.


"Pwede ba Dan? Bumalik ka muna sa room, ayoko na nga sayo diba? Wag mo kong kulitin. Napipikon ako." ayaw kong magsungit pero lumabas na nagsungit ako.


Gusto ko kasing makilala si Unknown number! Ito na ang chance ko!


"Ayiee! Nagkatampohan ang Lovebirds!"


"Lovers quarrel! Ang sweet!"


Kaloka sila. Asan ang sweetness don?


"Okay babe." ang mas nakakagulat pa ay hinalikan niya aking pisnge. Halos ma-statue ako saaking kinatatayuan. "Bye! Kita tayo mamaya sa room! I love you Rhare!"


At tumakbo na lang siya habang yong tatlong kaklase ko ay talon ng talon sa kilig.


Huwhaaaat! Bat niya ginawa yon?! Bakit?! Shucks! Ayoko na talaga sakanya! Manyak siya! Kainis siya!


Pinahiran ko ng pinahiran aking pisnge. Feeling ko tuloy ang pula-pula na nito, mygad baka masugatan pa ang pisnge ko. Humanda sakin ang Dan na yon!


Napatigil na lang ako nung magvibrate ulit ang cellphone ko at galing kay Unknown number naman ang text na yon.


_____________

1 New Message

From: Unknown Number

Kayo na pala?

Sana sinabi mo sa'kin para hindi na ako umasa.

_____________

Dear CrushWhere stories live. Discover now