Entry #69

2.2K 64 0
                                    


Dear Crush,


Guess what? We won!


Yeaah! Hahaha! See? Grabe ang magic powers ng hoodie mo crush! Nakaya niyang ilabas ang mga stock knowledge ko kaya ang resulta, maayos kong nasagot ang mga katanungang binigay ng mga judges! Yiieee! Thank you for inspiring me! Hahaha!


Yong teacher ko tuwang-tuwa sa pagkapanalo namin, sino ba kasi ang hindi matutuwa? Kahit nga ako natutuwa, sobra! Akala ko na iti-treat nila kami sa kahit saan jan as reward man lang pero hindi pala, umulan kasi sa mga panahong 'yon. Three days din pala kami don. From Saturday tapos umuwi kami ng Monday, hindi tuloy kita nakita nong Monday. Gabi na nga ako ng maka-uwi dito sa bahay. Pagdating ko sa bahay, binati nila ako. Dumiretso na rin ako sa kwarto dahil pagod na ako kaya nagpahinga agad ako. May klase pa bukas, and ohmg! Malapit na pala ang last grading exam gash! Bukas, magsisimula na rawng magreview ang mga subject teachers! Waaah! Kaloka naman!


Kung noon ayaw ko sa holiday at baka hindi ko makita ang crush ko kahit sa isang araw man lang, pano na kaya pag bakasyon na? Summer na? 2 months, 9 weeks, and 61 days(binilang ko talaga mula sa calendar namin yan) kong hindi masisilayan ang gwapong pagmumukha mo? Gaaad! Masyadong mahaba ang ganong panahon!


Di pa ako ready sa bakasyon! Mamimiss kita crush. Huhuhu. Malulungkot ako pag di ka nakita. Huhuhu. Di ako kontento sa pictures lang, gusto ko personal talaga kita makita. Huhuhu. I-extend kaya natin ang schooldays tapos gawing 1 day ang summer? Yes! Gagawin ko talaga yon pag ako naging president sa planetang Mars! Huhuhu. Malabo. Pero bukas, may klase pa naman e, magpakita ka sa'kin crush ha?


Yayakapin talaga kita! Humanda ka ng gwapo ka! >:D


-Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon