Entry #36

2.9K 96 3
                                    


Dear Crush,


Crush, remember ex-crush? 'Yung kasama mo nung Reading of Honors? Birthday niya pala ngayon! So tama nga 'yung predictions ko---sabi kasi ng mga kaklase ko na Feb. 22 raw ang birthday niya eh nastalk ko kaya ang FB niya noon---oops! Sorry crush! Wag kang magselos please!


Crush, magulat ka at I hope na magselos ka---para malaman ko namang the feeling is mutual, haha, ang gulo ko ata. Chinat ko siya crush! Greet lang naman! Lakas pa ng beat ni Heart para sa reply niya eh ano bang reply ang hinihintay ko? Isang 'thank you' at 'gift ko' lang naman. Ano crush? Bibigyan ko ba? Oi oi! Kaw naman! Ikaw na ang crush ko okay? Nanliit na ang singkit mong mata oh. Kalma ka na.


Kaya lang crush, may naalala ako. Si Khin. Si little brother mo. Alam mo 'yung pakiramdam na naguiguilty ka? Kasi diba, nung birthday ni Khin ay humingi siya ng gift tapos hindi ko siya nabigyan. Kawawa naman 'yung little brother mo crush. Best bud pa naman siya ng kapatid ko tapos nung humingi siya ng regalo ay hindi ko man lang binigyan, baka isipin pa niyang anong klaseng Ate ako.


Kapatid mo siya crush so dapat bigyan ko rin siya ng care. Kaya sana tulungan mo rin akong makapagdecide. Sabihin mo naman sa'kin ang mga likes at dislikes niya. Para naman may idea ako diba?


And most of all, ano kaya ang magandang pang belated birthday gift para sakanya?


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now