Entry #57

2.3K 61 0
                                    


Dear Crush,


Nabobother na talaga ako. Ano ba talaga ang problema mo crush? Anak kasi tayo ng meant to be kaya again, nagtagpo na naman ang landas natin sa entrance. Badtrip ka pa rin kahit na umagang-umaga. Galit ka ba sakin? Ano ba ang nagawa ko sayo? Juice colored, wag kang ganyan. Dapat ako ang nagtampo sayo dahil hindi ko pa nakalimutan yong nangyari sa covered court, parang hanggang ngayon nagseselos pa rin ako sainyo.


Hindi kaya... nagagalit ka dahil hindi ko pa rin naisauli ang hoodie mo? Pambihira naman! Nakalimutan ko ulit! Makalimutin kasi ako, panirang utak oh. Nagkaka-amnesia! Sorry na! Isasauli ko naman talaga yon, hindi yong ganito tayo. Nakikita mo ko pero umaakto kang hindi mo ko kilala kahit na sa kaloob-looban ko---alam kong kilala mo ko.


Bati na tayo please, di ko kaya.


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now