Entry #61

2.4K 56 0
                                    


Dear Crush,


Galit ka pa sa'kin? Ano ba ang kailangan kong gawin para hindi ka na magalit? Gusto mo bang bilhan kita ng maraming chocolates? Oh ano ba? Sabihin mo naman sa'kin oh. Pang second week na tayong hindi nagpapansinan though nagkikita naman tayo.


Kanina, whole day tayong walang klase. Nagkataon pa talagang nagpractice kaming mga juniors at naka-held ito doon sa stage. Kayo rin, pati kayo may practice din. Habang nagpapractice kayo, tinitignan lang kita. Ang saya saya lang na makita kang nakangiti, mas lalong kang naging gwapo! Waaaah!


Pero kahit gusto ko mang kiligin, patayin na ang sarili ko sa kilig ay hindi ko magawa. Mabuti ka pa ang saya-saya mo samantalang ako ang lungkot-lungkot ng buhay ko. Alam ko namang hindi dapat ako nalulungkot kasi, nakakabawas ng buhay iyon. Sabi sa quote iyon, group message ng kaklase ko. Pero hindi ko magawang hindi makaramdam ng lungkot, ayoko ng maging malungkot kaso di ko mapigilan. Bat ka ba galit sa'kin? Alam ko namang ang OA ko dito kasi crush lang kita, akala mo namang kung sinong naiinis na girlfriend ako oh.


Napatingin ka sa'kin at parang napawi yong ngiti mo, ako na ang umiwas ng tingin. Ang lungkot ng buhay! Ako na lang kaya ang mag-sorry sayo? Pero mali, bad image yon! Ang babae ang nagsosorry? Pero kaya kong gawin yon basta magkabati lang tayo.


Kung magsorry man ako sa'yo, sana patawarin mo na ko, hindi sa gusto mo kong mapatawad kundi gusto mo ng katahimikan sa buhay.


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now