Kriselly

2.8K 76 8
                                    


Kriselly


Nabitawan ko ang aking cellphone at buti na lang dahil sa kama ito lumagapak. Nanginginig ako sa kaba at naeexcite rin ako.


Shucks.


Pupunta raw si Khin Ralf Whyte sa bahay namin.


Ang gwapong Khin Ralf na nakababatang kapatid ng ex-crush kong si Renz ay pupunta sa bahay kubo namin. Ang Khin Ralf na niyakap ako. Ang Khin Ralf na gwap---ok paulit-ulit. Ang Khin Ralf na nagpahiram sa'kin ng hoodie. Most of all, ang Khin Ralf na crush ko.


Pupunta siya... pupunta siya?!


Huwaaaah! I can't believe it! I don't want to believe it! Bakit siya pupunta? Bakit ba? Bakiiiiit!


Liligawan na niya ako? Gad no need. Matagal nang kami... sa mga imaginations ko.


Bigla akong na full-charge at na alerto. Sabi ko sa inyo e, siya ang special charger ko.


"Wag kang tatanga-tanga Kriselly! Kumilos ka na! Mag-ayos ka, magbihis ka ulit! Ay mali! Maligo ka na lang ulit! Aish! Tutunganga na naman?! Kriselly utak! Gamitin utak!"


Kinalog-kalog ko aking sarili. Napahawak ako sa'king ulo tapos hinalamos ang aking mukha gamit aking palad na parang isang problemadang negosyante dahil nababankrupt na ang kanyang negosyo.


Kinuha ko agad ang tuwalya at pupunta na sana sa banyo nang biglang mag-ring ang cp ko. Inopen ko naman ang nareceive na message.


_____________

From: Unknown Number

Oo. Sobra.

Mahal kita kaya kung ano ang mood mo, naaapektuhan din ako.

_____________


Parang kumabog ang puso ko saaking nabasa. Pang ilang ulit ko na bang sinabi na hindi ko na siya rereplyan at dahil matigas ang ulo ko ay di ko sinusunod yon?


Naeewan kasi ako saaking sarili. Parang may something talaga kay Unknown Number e!


Muka siyang si Khin na di ko kayang tiisin kaya ayan tuloy, nagrereply pa rin ako. Pero hinding-hindi siya magiging si Khin, hinde.


But what if si Khin siya? Hay umaasa.


Pumanhik na ako sa banyo at hindi na lang nagreply kay UN. Kailangan  ko pang magready para sa pagdating ni Khin! Waaaah!


Tumakbo ako at dahil tatanga-tanga ako ngayon, nasapol ang ulo ko sa pintuan ng banyo.


Napangiwi ako at napahawak sa ulo. Hindi masakit. Hindi talaga. Promise hindi.


"Ouchraaaaay!"


Halos maiyak ako. Huhuhu. Oo na, inaamin ko na, masakit siya!


"Ate Lly! Okay ka lang ba?" kumatok si Karlo sa pintuan. Narinig niya? Ganon ba kalakas ang boses ko? "Buksan mo to ate! Oi!"


"Hindi naka-lock yan! Buksan mo na!" napa-upo ako sa sahig habang nakahawak pa rin ang aking palad sa ulo.


"Ay" nakapasok siya at lumapit saakin. "Anong nangyari? Nakunan ka? Buntis ka! Papatayin ka nila mama!"


Pinanliitan ko siya ng mata, "nagjojoke ka ba? Worried ka sa'kin? Ano ba Karlo! Hindi ba halatang nabagok ang ulo ko! Aish. Kumuha ka nga ng cold compress."


"Ay hehehe. Wait lang."


Lumabas ulit siya ng kwarto tapos bumalik na may dalang cold compress. Kinuha ko naman yon at pinuwesto sa masakit kong ulo nang may narealize ako.


"Teka nga." nagkatinginan kami. Tinaas ni Karlo ang kanyang isang kilay na para bang nagsasabing 'Ano?'.


"Bakit?"


"Jinojoketime mo lang ba ako?"


"Joke? What are you talking about? Yong buntis ka? Hala! Totoo ba yon?!" over reaction niya. Umiling ako.


"Hinde! Hindi yon!"


"Ano?" kumunot yong noo niya.


I sighed. Baka nga jinojoke niya lang ako na pupunta raw si Khin dito. Malabo kasi yon. Ako naman, naniwala agad kaya ayan, ito ang napala ko.


"Hoy! Ano na ba?" kinalog niya ako sa may braso. "Atsaka tumayo na nga tayo. Feel na feel mo namang umupo dito sa sahig, nag-eenjoy ka ata."


"Hindi no." inalalayan niya akong tumayo. "Nagjojoke ka no?"


"Ikaw paulit-ulit ka, ano bang joke ang tinutukoy mo?" medyo iritado na niyang sabi.


"Na pupunta dito si Khi---"


Nagring yong cp niya kaya di ko natuloy ang sasabihin ko. Binasa niya ang message tapos tumingin saakin. Bumilis ang puso ko sa di malamang dahilan.


"Lalabas muna ako." binalik niya sa bulsa ang kanyang cp at aalis na sana ng pigilan ko.


"Saan ka pupunta? Wag mo kong iwan sa bahay!" parang bata kong sabi tapos napanguso.


"Sa labas lang ako ng bahay kaya wag kang over." tinalikuran na ako ni Karlo. Magsasalita pa sana ako nang inunahan na niya ang gusto ko sanang sabihin.


"Nasa labas na kasi si Khin."

Dear CrushWhere stories live. Discover now