Kriselly

2.6K 90 22
                                    


Kriselly


Kumawala siya sa yakap at napatingin sa'kin nang diretso. Anak ako ni mama kaya maganda! Ang gwapo ng lalaking 'to kainis!


Wala akong masabi at mukang pati na rin itong kaharap ko. Awkward moment ba? Ito yong best example!


"D-dare game." medyo utal na sabi niya at parang napaiwas ng tingin.


Sampal sa face!


Kaya niya pala ako niyakap! Naglalaro lang sila ng Dare Game? Pwedeng maiyak? Uwaaah!


"Ahh k-kaya pala hehe." napautal na rin ako at nagfake laugh pa. Gusto kong maiyak, naluluha na ako.


Ngumiti siya na parang inosente, gashung yang ngiting yan, umurong ang luha ko sa ngiting inosente na yan Khin!


Pero kung dare game, kailangan bang mag-sorry? Mag please forgive me? Tinutupad ko yong promise ko kaya kita niyakap?


"P-para saan pala ang s-sorry?" hindi ako makatingin.


Waah! Masyado kang halata na affected ka Kriselly! May pautal-utal ka ng nalalamang babae ka!


"Sa lahat. Sorry." pwede bang irecord ang gwapong boses mo Khin?


"Forgiven ka na kahit hindi ko alam kung anong kasalanan mo." buti naman at hindi na ako nautal.


Inangat ko yong ulo ko para tignan siya, hindi ko alam na nakatingin rin pala siya sa'kin kaya nagkasalubong yong titig namin. Mygad! Kahit ngayon lang, literal niyong itigil ang oras!


Pwede maiyak ulit? This time, gusto kong maiyak sa saya. Ang sarap niyang yakapin, child abuse na akong tawagin pero waaah! Bakit ako nagkakaganito!


"Kriselly, may aaminin pala ako sa'yo." kukunin ko na talaga ang cp ng marecord na yang boses mo!


And ano raw? Aaminin? Don't tell me... hala.


Kinakabahan ako. Naging triple power sa bilis ang tibok ng puso ko.


"A-ano yon?" utal ko namang sabi.


Napahawak siya sakanyang batok tapos nilagay sa bulsa ang kanyang dalawang kamay. Muka rin siyang kinakabahan at parang di mapakali.


"Kasi a-ano, ahmm aamin na a-akong ako si---"


"KHIN RALF!"


Hindi natuloy ni Khin yong sinabi niya ng tawagin siya ng babaeng classmate niya. Teka, siya yong nangangasar kay Khin sa covered court na asar na asar si Khin.


Siya na naman? Kaano-ano ba sila---sila ba? No! Ayaw ko!


"Ang tagal mo namang bumalik e."


Lumapit siya kay Khin at humawak ito sa bisig niya. Dumikit pa siya---ang nakakairita ay parang wala lang kay Khin yon.


Okay lang ho ako. Sobrang okay.


"Ay hahaha. Nadala lang ako. Nakalimutan ko tuloy." gusto ko talagang irecord ang boses ni Khin!


Teka, ano yong sasabihin ni Khin kanina na naputol dahil dumating itong 'girlfriend' niya?


"Ano nga ulit yong sasabihin mo? Naputol kasi---"


"Kriselly! Joy! Hali na kayo, marami pa tayong aasikasuhin." tinawag kami ni mam. Waaah! Wrong timing! Kaiyak!


"Kriselly~" lumapit sa'kin si Joy.


Tumingin ako sa dalawang lovebirds. Sige kayo na. Akala ko pa namang moment ko na ito, masisira rin pala.


"Ay sige. Mauna na lang kami. Tinawag na kasi kami ni mam e." ngiting sabi ko but fake yon, hindi ako masaya sa nakikita ko!


"Okay!" smile na sabi ni girlfriend.


Si Khin naman, nakatingin lang sakin. May girlfriend ka na. Tsk. Paano na ang feelings ko? Etsapwera?


"Kriselly halika na, baka magalit pa si mam." medyo hinila ako ni Joy kaya nagalaw naman ako ng bahagya.


Pero bago pa kami tuluyang pumunta kay mam, narinig ko pa ang usapan nila Khin at nong girlfriend niya---or hindi?


Kasi...


"Akala ko ba na ang dare namin sa'yo ay yakapin ang taong gusto mo? Bakit ka napunta don?" rinig kong tanong nung classmate niya.


A-ano? Gusto?


"Bakit?"


Napahinto ako at parang napatigil sa pagtibok ang puso ko, nagpause si Khin bago niya sinabi ang...


"Dahil sinunod ko ang dare."

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon