Entry #77

2.3K 75 1
                                    


Dear Crush,


Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa mga pinaggagawa mo these past weeks and days crush. Palagi ka na lang bumibisita sa bahay! Hindi mo pa nakakalimutang dalhan ako ng chocolates na Almonds, Kisses, Toblerone, Meiji(galing Japan 'to ah), and Kitkats. Ansarap nilang lahat! Ngunit mas masarap si Meiji, sayang dahil walang 'White' instead 'Milk' lang ang nakalagay, 'Black' meron kaya tuwang-tuwa ang kapatid ko.


Napapansin ka na rin nila Mama at Papa, nakakakilala na sila sa'yo. Alam mo ba crush na nagustuhan ka nila? Shems! Tinanong nga nila ako na boyfriend ba raw kita at ako 'yong sadya mo sa pagpunta dito, inakala nilang nililigawan mo ko... hindi lang sila, ako rin pala inaakala ko. Hihihi.


Bakit ba! But don't worry, tumanggi naman ako e! Sabi ko sakanila na nag-spent ka lang ng quality time with Karlo kasi Summer, kinagat naman nila ang palusot ko.


Hindi ko in-expect na mangyayari ito sa tanang crush life ko. Dahil sa pagbibisita mo, unti-unting humuhupa kaya kakarampot na lang ang natitira sa sandamukal na hiya sa katawan ko. Ikaw ang dahilan non! Nagkakaroon na ako ng confidence dahil sa'yo! Because of you, my life has change~ Ayiieee! Kenekeleg si crush! Wag ka ngang kiligin, ang cute cute mong mamula gwapo!


If ever na nanliligaw ka nga sa'kin crush, wag kang mag-alala. Wag ka ng masyadong mag-abala. Sasagutin kaya kita! :D


- Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon