Entry #66

2.7K 57 0
                                    


Dear Crush,


Waaaah! Shucks! Magpapakamatay ako! Magpapakamatay na ako! Hahahaha! Kidding lang! Hoo! Hinga muna, inhale, exhale.


Shems! Tama ba yong narinig ko kanina crush? Tama or sadyang assuming lang ako? Tama or sadyang bingi lang ako? Hindi lang pala basta-bastang dare iyon, dare yon na... na waaah! Kainis! Pakiramdam ko tuloy na lumulutang ako patungong heaven, may plano atang sumunod kay Nathaniel ang kaluluwa ko(oy wag muna). Hindi naman sa nag-eexpect akong crush mo rin ako, pero binigyan mo kasi ako ng motibo. Ayan tuloy, assuming na ako ngayon! Ayokong mag-assume crush! Pero sinisigaw ng puso ko na ‘Mag-assume ka Kriselly! Malay mo!’.


Kalokang puso ito! May plano atang biyakin ang sarili niya lalo na pag malamang mali yong inexpect niya. Pero kasalanan niya ba? Hindi diba? Nagkacrush lang ako at hindi ako nag-eexpect na magustuhan rin ako pabalik, kaso, panira kasi! Hindi na dapat ako nakinig! Ayan tuloy, nagfefeeling ako na gusto mo rin ako :(


Sa sobrang lutang ko kanina kaiisip sa mga narinig ko, for sure muka akong tanga sa nangyaring presentation. Hindi ko alam kong nakagalaw ako ng maayos o hindi, tansya kong muka siguro akong robot na gumagalaw ng wala sa sarili. Walang utak pero gumagalaw.Kainis, kabanas, kairita, ang kilig, ang saya. Huhuhu. Kakaiyak. Sobrang mixed emotion ako ngayon!


Nagtext nga pala si Unknown Number, sabi niya sa text na ‘Muka kang tanga sa presentation pero ang cute mo pa rin :)’. Mygad! Okay na kami ni Unknown Number! Halata naman sa text niya e, ibig bang sabihin na nakita niya ako? Sino ba kasi si Unknown Number? Ay oo nga pala, si Khin. Ikaw Khin! Alam mo bang inakala kong ikaw si Unknown Number? Sinaniban ka kaya ng nakakatakot na kaluluwa ni Unknown Number kaya nong magsalita ka kanina ay muka kang si Unknown Number? O di naman kaya... hala.


Posible bang... no. Masyado ng imposible.


Ay may isa pa pala crush, kinunan kami ng picture ni Renz. Wag kang magselos ha? Pinilit lang naman nila ako non e. Ayaw ko, kakahiya kasi dahil sa dami ng tao! Hinila kasi nila ako at ang lalaki pa ng muscles nila kumpara sa liit kong 'to. Wala tuloy akong nagawa at ngumiti na lang sa camera. Shock nga ako kung bakit pumayag si Renz? Hay ewan talaga. Bat ngayon pa nangyayari ang mga bagay na ito kung kailan iba na ang crush ko? Ikaw na?


Oh forget na nga dahil Khin Ralf! Hindi ko makakalimutan yong hug at ang dahilan nong hug! Kinilig ako todamaximum 100° Celsius! Hehe! Ang sarap umiyak sa saya crush!


Alabyu na :')


- Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon