Entry #68

2.3K 54 0
                                    


Dear Crush,


Alam mo yong pakiramdam na nagmamadali ka kasi iiwan ka raw pag ikaw ay ma late?


Wala ako sa wisyo dahil kay Unknown Number kaya 1am na akong nakatulog. Gumising pa ako ng pagka aga-aga kasi nga iiwan daw pero pagdating ko sa school, guard lang yong nandon! Ahuhu! Sabi ni mam na before six eh anong oras na ba nung dumating ako don? 6:30am na! Oo na! Palagi naman talaga akong late, pero mas late pa pala sila. Yong teacher ko talaga, sa susunod siya na ang iiwan ko! Hmf!


Nag-antay ako at umupo don sa cemented chair malapit sa guard house. Ang awkward lang. Ako yong unang nakarating, kaming dalawa ni guard. Tsk talaga. Naalala ko tuloy yong time na hinubad mo ang hoodie mo para lang makapasok ako, sheez! Keleg! Alam mo ba crush na sinuot ko yong hoodie mo ngayon? Ahahaha. Sorry crush, kailangan ko kasi ng inspiration kaya wag ka ng magtampo. Isasauli ko talaga sayo ito kahit na sinabi ni Karlo na pinapabigay mo na.


Ang sumunod na dumating pagkatapos ko ay... ang Dan Fuentes. Face palm! Kasali rin pala siya sa contest kaso iba ang sinalihan niya! Aish. Ang awkward, lumelevel up yong awkward aura. Bat pa kasi siya umamin? Hahay. Sinikap kong umiwas ng tingin sakanya para lang balewalain siya kaso, kaso siya mismo ang tumabi saakin. Bumilis ang tibok ng puso ko non... sa ilang. Haynako! Layas nga Dan!


Nag-hi siya, nginitian ko lang tapos iwas nanaman. Baka kasi magyabang na naman siya at isa pa, wala ako sa mood dahil ang tagal kong natulog tapos gumising ako ng sobrang aga pero ang naabutan ko lang pala ay ang guard.


Hay. Masaya.


- Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon