Entry #42

2.9K 86 2
                                    


Dear Crush,


Matutulog na sana ako pero may nambubulabog sa isipan ko. Ito ang mahirap saakin crush, kung kailan oras na para magpahinga ay don pa mangdidisturbo aking mga kahit anong facts tungkol sa ano ang gagawin ko sa aking buhay. Ay! Tungkol din pala sa pagboboyprend. May secret ako crush, wag mong sasabihin sa iba ha? Promise ka muna!(Crush: Promise) Hahaha! Nababaliw na nga ako, tanong ko sagot ko? Eh di wow.


NBSE ako crush! No Boyfriend Since Existence. Yah! Aish! Oi oi? Wag mong sasabihin sa iba! Lagot ka pag nagkita ulit tayo!


May nanligaw saakin kaso hindi ko sinagot(at hindi ko imemention ang name at baka imurder mo! Hahaha~) Hopeless Romantic kasi ako. Pag nagkaboyprend man ako, gusto ko yong 18yrs. young above na ako. Hindi ako nagmamadali! All good things to those who wait diba? So no need to hurry.


Gusto ko kasi yong boyprend na mas matangkad at medyo malaki kesa sakin para pag-yayakapin niya ako ay balot na balot talaga ako(maliit kasi ako). Gusto ko yong boyprend na bibilhan niya ako ng maraming chocolates atsaka drinks na chocolate flavor pa rin. Gusto ko yong boyprend na maalaga. Gusto ko yong boyprend na seryoso. Gusto ko yong boyprend na sasamahan akong mag-explore around the globe. Gusto ko yong boyprend na kahit mag-aaway kami ay sabay naming isosolve ang problema. Gusto ko yong boyprend na tanggap kung sino ako. Gusto ko yong boyprend na ako at walang iba kundi ako lang talaga ang kanyang mamahalin. Higit sa lahat, gusto ko yong boyprend na hahalikan niya aking noo as a sign of showing his respect and love under the moonlight and thousand stars.


Waaah! Kenekeleg ako! Pero for sure crush, iniisip mo ngayon na 'grabe! Ang taas naman ng standards mo. Wala na atang ganyang lalake sa panahon ngayon', kung yan man ang iniisip mo crush well nagkakamali ka. Meron pang nag-eexist na ganyan ngayon noh! Kilala mo ba kung sino?


Ikaw :)


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now