Entry #38

2.9K 91 2
                                    

Dear crush,


Muka akong tanga na nakatutok saaking phone. Siguro bored lang ako at hindi ko matukoy kung ano ang pwede kong gawin. Tulungan mo kaya ako crush? Napaka-bored talaga na araw ito! Grr! Ang mas malala pa ay wala si Mama at Papa dito sa bahay, ay pati pala ang kapatid ko ay wala rin! Nag-grocery kasi sila crush habang ako ay ginawang guard ng bahay, how nice. Bibilhan raw kasi ako ni Mama ng limang Vitamilk in chocolate flavor bilang kapalit kaya umoo ako, sulit kasi! Waaah Vitamilk mylabs :)


Umupo na lang ako sa sofa at tinignan ang bawat inch ng bahay. Ganito ba talaga ang product of boredom? Halos nawala na sa sarili ang tao? Ays. Pumunta ako sa kusina kanina at inopen 'yung fridge, may nakita akong almonds atsaka kitkat doon, ayun nilantakan ko. Chocolate lover 'to! Hihi. Sana crush in the future, regalohan mo sana ako ng maraming chocolates! Waaah! Ngayon pa lang magsasabi na ako ng 'thank you!' sayo.


Nadisturbo lang ako sa pagmassacre nung chocolates ng biglang magvibrate aking phone. Si Unknown number! Waaah! Nagparamdam siya!


Okay lang ba kung replyan ko siya crush? Wag kang magselos ha? Ikaw lang talaga ang crush ko!


- Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon