Entry #8

5.2K 138 5
                                    


Dear Crush,

Buti naman at nauto ko yung little bro ko! Nyaha! Galing ko talagang mangblackmail eh ang totoo nama'y hindi ko talaga kilala yung crush niya! Sshh! Wag kang maingay crush. Baka magtampo sa'kin yun, nangangagat pa naman iyon pag galit. Nakakatakot swear! Pero mahal ko 'yun kahit naging aso minsan!

Alam mo ba crush na si Karlo ang dahilan kaya kita nakilala ng lubusan? Bestfriend kasi ni lil bro ko yung kapatid mo. Oo bestfriend niya si Khin! Almost four years na nga silang magkaibigan pero never ko pang nameet si Khin. Hindi kasi ako ineteresado noon, pero iba na ngayon. Magkamukha kaya kayo? Waah! Naeexcite tuloy akong makita ang little brother mo :D

Back to the fb thing... bakit ko hahanapin yung account mo? Siyempre mag fi-friend request ako sa'yo! Sa tinagal-tagal kasi na panahon na naging crush kita ay di pa rin tayo friends sa facebook, ngayon lang ako naglakas ng loob na gawin ito. Di mo naman ako kilala eh, malay natin at i-accept mo eh di ako na ang pinakamasayang creature! Wahaha yay! Kahit sa social media lang tayo friends. Kahit na...

I-accept mo crush ha?

- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now