Entry #15

3.7K 121 2
                                    


Dear Crush,


Narealize ko na malamang, hindi pa ako familiar sa'yo. Unless siguro kung napansin mo 'ko nung nasa DVD rentals tayo? Tapos nakita mo 'yung mukha ko sa dp? At 'yung kabaliwhan ng kaibigan ko kahapon? Ay ewan! Ang layo kaya ng agwat natin na para bang nandito ako sa Davao samantalang ikaw nasa Maynila. Parang ganun kalayo ang lalakbayin para lang mapansin mo 'ko. Saklap life! Nakakabasag ng heart.


Alam mo ba crush na pang-7th day ko na ngayon na hindi navivisit si BF kong si FB? Kasi natatakot pa rin ako! Waaah over na 'to! Kating-kati pa naman akong maopen si fb account ko dahil sabi ng kaibigan ko na may bagong update 'yung fansclub sa Kathniel, pero pano pag nakita ko si green dot sa tabi ng name mo?

O di naman kaya si red light with number saaking notifs/messages tapos pagclick ko dun ay lilitaw ang pangalan mo? Magfifreak-out ako at ihahagis sa bubong aking phone? Nakakastress na talaga 'to! Baka papanget ako at tuluyan na ngang di mo 'ko mapansin. Wag sanang mangyari yon.


Hay. Lalanghap nalang muna ako ng ilang boltaheng oxygen bago ko bisitahin si FB. Aja! Kakayanin ko 'to!


- Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon