Entry #35

3K 93 1
                                    


Dear Crush,


Pinagmamasdan kita kanina habang naglalakad ka sa covered court. Dala-dala mo 'yung case mo at sa kabilang kamay mo ay 'yung panyo mo. Nandon lang ako sa may bleachers kasama aking mga kaibigan at siyempre, pati mga kaklase ko. Crush grabe, parang hindi pa rin ako makapaniwala na kilala mo na ako. Paano mo ba ako nakilala crush? Sumagot ka naman crush kahit paminsan-minsan lang >:D



Tinitigan ko talaga ang bawat hakbang mo kanina hanggang sa bigla ka na lang napatingin sa bleachers kung saan ako nakaupo. Mala-ninja naman ang ginawa ko dahil nagtago agad ako sa likuran ng kaibigan ko.



Aware na ako ngayon na kilala mo na ako.



- Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon