Entry #30

3K 105 1
                                    


Dear Crush,


Friday the 13th ngayon ng February! Yes! Sabi nila na malas raw pag ganito ang date and I think they're right. Malas nga talaga crush! Ahuhuhu. Whole day 'kong hindi nasilayan ang gwapo mong mukha! Saan ka ba pumunta crush? Nagtago ka ba sa ilalim ng punong mangga? O kaya nilibing mo sarili mo 'dun sa oval? May mark ka bang iniwan ng mahukay kita? :(


Huhuhu. Ang malas-malas ko talaga ngayon crush aside sa hindi mo pagpapakita! Dapat kasi hindi ko na lang iniwan ang wallet ko sa bag, nanakaw tuloy. Waaah! Oo! Nanakawan ako crush! Shems! Paano na ito?  Nandun pa naman sa wallet ko ang pera na ibinigay ni teacher para pambili ng canvas, inutusan niya kasi akong magpaint ng tatlong paintings. Walang problema saakin 'yun kaya lang nawala na ang pera ko. Walang naiwan kahit 25 centavo! Huhu. Buti nalang talaga at sinundo ako ni Papa, siya tuloy ang gumastos pambili ng canvas. Bakit ba kasi ganito na kadesperado ang mga tao sa mundo? Nagnanakaw?


Eh bakit ikaw crush, hindi ka naman desperado saakin pero nanakaw mo pa rin ang puso ko?


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now