BIKGV-LAST CHAPTER

6.2K 144 27
                                    

Ang sabi nila, kahit ilang tao pa ang dumating at umalis sa buhay mo, merong isang tao na mananatili sa tabi mo.

But I doubt that...

People come and go... intentionally or not.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, anak?"

Nagpatuloy ako sa pag aayos ng mga gamit at tumango lang sa tanong ni mama. Hindi ko sya magawang sulyapan dahil kapag nakikita ko ang lungkot sa mukha nya ay napagdududahan ko ang desisyon ko.

"Baka naman nabibigla ka lang, anak? Pwede ko pa namang sabihan ang lola mo kung ayaw mong tumuloy," kahit hindi nya sabihin ng deretso alam kong ayaw nya akong umalis.

I'm sorry, ma. But I need this, I need to do this. Hindi lang naman para sakin, para na din sa ikabubuti ng lahat.

"Sayang naman iyong inaalok nilang tulong na pag aralin ako don, mama. Isa pa, alam kong mas mapapabuti ang pag aaral ko don, wag kang mag alala ma, pagkagraduate ko uuwi din agad ako," pilit na pagpapagaan ko ng loob ni mama.

Ayoko naman kase sanang mapahiwalay kay mama. Pero kase pakiramdam ko sobrang sikip ng bahay namin ngayon. Kapag nagkikita kami ni Ate bumabalik ang galit at pagkamuhi ko sa kanya. Kapag nandito rin ako mahihirapan akong kalimutan si Grey.

"Wag kang makakalimot na tumawag kapag nandon ka na, Zerah. Alagaan mo ang sarili mo, anak," Ani mama at niyakap ako. Yumakap din ako pabalik kay mama at pinigilan ang sarili na maiyak.

Pagkatapos kong ayosin ang mga gamit ko ay nagpaalam ako kay mama na aalis muna saglit. Magkikita kami ngayon ni Sydney.

Pagdating ko sa lugar kung saan kami magkikita ay nandoon na si Sydney. Lumapit ako sa kanya at hindi agad nagsalita. Hindi rin naman ito nagsalita at nanatili lang na nakatingin sakin.

Ilang saglit akong tahimik at hinintay syang magsalita pero nabigo ako kaya ako nalang ang naunang nagsalita.

"Ganyan ka ba magpapaalam sakin?" May bahid ng pagbibirong sabi ko. Imbes na matawa inirapan ako ni Sydney, ganun pa man ay halata ko sa mga mata nya na naiiyak sya. "Wala ka bang sasabihin sakin?" Muling tanong ko habang pinipilit na tumawa.

"Kailangan mo ba talagang umalis?" Deretsong tanong nya habang nakatingin sa mga mata ko. Medyo nailang ako at hindi alam ang sasabihin kaya nag iwas ako ng tingin.

"Sayang naman kase yun--" hindi ako hinayaang matapos ni Sydney at nagsalita na ito.

"Wag kang magsinungaling sakin, Zerah."

"Hindi nama--"

"Hindi mo naman talaga gustong umalis diba?" Deretsong sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko.

"G-gusto ko..."

"Hindi mo gusto. Aalis ka lang naman para iwasan ang Ate mo at si Ate Grey," para bang siguradong sagot nito.

"Hindi na--" muli na naman nitong pinutol ang sasabihin ko.

"Kilala kita, Zerah. Alam ko kung kailan ka nagsasabi ng totoo at kailan hindi. Alam kong nasaktan ka dahil sa nagawa nila, pero kailangan mo ba talagang umalis?"

Hindi agad ako sumagot sa sinabi ni Sydney. Katulad ni mama, alam kong ayaw nya din akong umalis. Ayoko rin namang iwan sila, mamimiss ko sila. Pero kase...

"Tatawag naman ako palagi, Syd," sabi ko at pilit na ngumiti.

"Hindi naman kase 'yon ang gusto kong sabihin, Zerah. Kung aalis ka parang tinakasan mo na din yung problema ninyong tatlo. Ni hindi pa nga ata kayo ulit nagkausap usap. Isa pa, paano si Ate Grey?"

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon