BIKGV-15

4.2K 143 5
                                    

"Magandang hapon Ma'am Aguas." Sabay sabay na bati namin ng pumasok ang Filipino Teacher namin sa loob. As usual nakangiti itong pumasok sa loob ng classroom namin, ibang iba tingnan ang mukha ni Ma'am Aguas tuwing papasok sya sa klase namin at tuwing kasama nya si Grey.

Kung titingnan mo sya ay sobrang amo ng mukha nya. Mabait sya sa lahat ng studyante at ni minsan ay hindi kami nito sinigawan kahit sobrang kulit ng ibang kaklase ko. Kaya kung iisipin ay tila hindi sya marunong magalit at hindi marunong magmura. Pero noong nakita ko silang magkausap ni Grey, nag iba ang lahat. Kahit nakangiti sya ngayon at mukang ang bait nya tingnan hindi nawawala sa isip ko ang reaksyon ng mukha nya kapag kausap nya si Grey.

Kapag si Grey ang kaharap nya ay para syang ibang tao. Minsan sobrang sweet at clingy pero kapag hindi sila okay ay nakakatakot ang reaksyon nya. Hindi ko alam pero may kakaiba talaga sa itsura ni Ma'am kapag galit sya. Parang nakakatakot ang presensya nya.

Tahimik ang buong klase habang nagtuturo si Ma'am Aguas sa unahan. Ganyan sila palagi kapag si Ma'am Aguas ang nagtuturo dahil paborito ng karamihan si Ma'am dahil mabait umano ito kaya nagpapakabait rin sila kapag sya ang nagtuturo.

"Naintindihan nyo ba?" Tanong ni Ma'am Aguas sa buong klase matapos nitong ipaliwanag ang tinuturo nya. Sabay sabay na tumango ang buong klase sa tanong ni Ma'am Aguas.

"May tanong pa ba? O may nagugulohan pa ba sa inyo sa tinuro ko?" Muling tanong nito pero walang nagtaas ng kamay.

"Natutuwa ako at naintindihan nyo ang tinuro ko." Masayang sabi nito sa buong klase. "Ngayon kumuha kayo ng kalahating papel dahil magkakaroon tayo ng pagsusulit." Dagdag nito.

Matapos ang naging pagsusulit namin ay ipinasa na namin ang mga papel kay Ma'am Aguas.

"Zerah pwede mo akong tulungan na dalhin ang mga papel na to sa opisina ko?" Mabait na tanong ni Ma'am Aguas kaya naman tumango ako sa kanya.

"Sipsip talaga..." Rinig kong bulong ng kung sino pero hindi ko na pinansin. Mabuti nalang at mukang hindi iyon narinig ni Sydney dahil baka mapaaway lang sya.

Naunang maglakad sakin si Ma'am Aguas at nakasunod lang ako sa kanya. Bitbit ko ang mga libro na ginamit nya at ang iba pang mga papel.

Naabotan ko si Ma'am na inilalapag ang dala nya sa table nya at umupo sa kanyang upoan.

"Dito mo nalang yan sa table ko Zerah." Sabi nito ng makita akong pumasok.

Maingat kong inilapag ang mga papel sa table nya pagkatapos ay nagpaalam na ako na aalis na pero pinigilan ako nito.

"Bakit po Ma'am?" Magalang na tanong ko dito.

Pansin kong may kakaiba sa tingin ni Ma'am Aguas pero hindi ko iyon matukoy. Masyado ring seryoso ang mga mata nito na kakaiba sa madalas kong makita.

"I just want to know if... Is there something between you and Grey?" Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa tanong ni Ma'am. Baka iniisip nya na ako ang dahilan kung bakit nakikipaghiwalay sa kanya si Grey.

"W-wala po.." Agad na sagot ko sa kanya pero mukang hindi sya kumbinsido.

"Are you sure?"

"Opo Ma'am, parang Ate ko nalang po si Grey dahil pinsan sya ng bestfriend kong si Sydney." Pinilit kong hindi mautal para maniwala sakin si Ma'am Aguas at mukang effective naman iyon.

"Okay, sorry for asking Zerah." Nagbago nanaman ang timpla ng mukha ni Ma'am. Mula sa seryoso at medyo nakakatakot na tingin ay bumalik ito sa mabait at magiliw. Nakangiti pa ito sakin ng magpaalam ako.

Napasandal ako sa labas ng pinto ng office ni Ma'am Aguas at saka lang ako nakahinga ng malalim. Masyado akong kinabahan sa tanong nya kanina dahil hindi ko matukoy kung galit ba sya o seryoso lang talaga.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now