BIKGV-37

3.1K 95 0
                                    

"Wala pa ba yung sundo mo? Sabay ka na sakin," sabi ni ate, referring to Grey.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko at 30 minutes nalang ay magsisimula na ang first class ko. Hindi ko alam kung bakit wala pa si Grey hanggang ngayon. Usually nandito na sya ng mga ganitong oras dahil kabisado nya na halos ang schedule ko sa school.

"Wala pa 'e," sagot ko kay Ate at tumayo na mula sa pagkakaupo sa couch. "Sabay na ako sayo Ate."

"Wala ba syang sinabi sayo?" Tanong ni Ate habang palabas kami ng bahay. Umiling naman ako sa kanya bilang sagot. Kagabi hindi kami masyadong nakapag usap ni Grey dahil pinatulog nya agad ako. Wala rin syang nabanggit na hindi nya ako mahahatid ngayon sa school kaya nag assume ako na katulad ng palagi ay susundoin nya ako dito para ihatid.


"Baka tinanghali ng gising. Ite-text ko nalang sya na sasabay na ako sayo." Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko bago nagtipa ng mensahe para kay Grey. Naghintay pa ako ng ilang minuto kung magrereply sya pero wala kaya sabay na kaming pumasok ni ate.

Medyo late na ako sa first subject ko kaya medyo napagalitan ako ni Sir Sapao ng pumasok ako. Pero after nitong malaman na kakagaling ko lang sa ospital ay napagpasensyahan ako nito at pinaupo na lang sa upoan ko.

"Bakit nalate ka? May dinaanan pa kayo?" Bulong na tanong sakin ni Sydney.

"Hinintay ko pa kase si Grey kaso malilate nako wala pa rin sya," pabulong din na sagot ko kay Sydney. Lumingon naman ito sakin na nakakunot ang noo dahil sa sinabi ko.


"Ano? Sobrang aga nya kayang umalis kanina." Nagtatakang anito.

Hindi na ako sumagot at napaisip nalang dahil sa sinabi ni Sydney. Kung maagang umalis si Grey... Saan naman kaya sya nagpunta? Bakit hindi man lang sya nagtext na hindi nya ako masusundo, ede sana hindi na ako nalate.


Paglabas ni Sir ng room namin ay kinuha ko agad ang cellphone ko sa bag para tingnan kung may reply si Grey. Napabuntong hininga nalang ako ng wala kahit isang mensahe galing sa kanya. Ano naman kayang pinuntahan nya?

"Hindi sayo nagsabi?" Lumingon ako sa gawi ni Sydney at umiling sa kanya.

"Baka nakalimutan lang o walang load." Pagpapagaan naman ni Sydney ng loob ko.

"Kailan ba sya nawalan ng load?" Hindi naman ito nakasagot sa tanong ko at nag iwas lang ng tingin sakin.

Isinilid ko nalang ulit ang cellphone ko sa loob ng bag ko at naghintay ng susunod na teacher namin.







Pinilit kong makinig sa discussion ng mga teachers namin ngayong umaga pero mukang wala man lang akong naintindihan kahit konte. Nakakainis naman. Ang dami ko na ngang absent pati ba naman ngayong papasok ako absent naman ang utak ko.








"Let's go Zerah." Naunang maglakad si Sydney pabalik sa room namin dahil kakatapos lang naming maglunch. Si Ma'am Aguas ang teacher namin sa first afternoon class at balak ko sana syang kausapin tungkol sa grades ko sa kanya. Pero syempre wala akong balak na pumunta ng mag isa sa office nya mamaya, isasama ko si Sydney. Ewan ko ba.. natatakot na ako sa presence nya.


Kalahating oras na kaming naghihintay kay Ma'am Aguas pero hindi pa rin ito pumapasok sa amin. Hindi ko rin ito nakita simula kaninang umaga.

"Absent ata si Ma'am..." Rinig kong sabi ng isa kong kaklase sa katabi nito.

"Pero nakita ko sya kaninang umaga pagpasok ko," rinig ko namang sagot ng katabi nito.

Habang hinihintay si Ma'am Aguas na dumating ay kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bag para tingnan kung may text na ba su Grey pero wala pa rin. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng inis dahil dito. Hindi man lang sya nagsabi kung san sya pupunta o kahit sana sinabi nya na lang na hindi nya ako masusundo kanina. Nakapag usap naman kami kagabi pero bakit hindi nya man lang nabanggit.

"Ayos ka lang?" Lumingon ako kay Sydney na ngayon ay may pag aalala sa mukha.


"Ayos lang ako Syd." Sagot ko dito pero mukang hindi sya kumbinsido.

"Baka may biglaang emergency lang kaya hindi na sya nakapag sabu sayo." Tumagal ang titig ko kay Sydney ng sumagot ito sakin. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang pakiramdam ko. Ayokong pagdudahan si Sydney dahil matalik ko syang kaibigan pero hindi ko maiwasan. Pakiramdam ko may hindi sya sinasabi sakin.


Nag iwas nalang ako ng tingin kay Sydney dahil ayoko namang kwestyonin ang sinabi nito. Sadyang kakaiba lang talaga ang pakiramdam ko. Ewan, baka guni guni ko lang yon.


Natapos ang oras ng klase ni Ma'am Aguas na hindi ito dumarating. Wala ring nagsubstitute na teacher sa kanya kaya wala talaga kaming ginawa kundi maupo lang sa upoan namin at ang iba naman ay lumabas at may kanya kanyang pinagkaabalahan.






"Hatid ka na namin Zerah." Umiling ako kay Sydney ng magpresenta ito na ihatid ako. Ayokong makaabala pa sa kanya kaya magtataxi nalang ako o jeep.


"Hindi na Syd, kaya ko ng umuwi," pagtanggi ko at ngumiti.

"Sigurado ka?" Tanong pa nito.

"Oo, mauna ka na't uuwi na rin ako." Halata ang pagdadalawang isip sa mukha nya ng sumakay sya sa loob ng kotse nya.


Pag alis ng sasakyan nila Sydney ay nagsimula na akong maglakad para makapunta sa sakayan. Hindi na ako nag abalang tingnan ang sasakyan ni Grey sa parking lot ng school dahil sigurado naman akong wala ito don. Isa pa hindi pa rin sya nagtetext sakin.


Patawid na sana ako ng kalsada ng bigla akong mapahinto dahil may lalaking humablot sa cellphone na hawak ko.

"Magnanakaw!" Malakas na sigaw ko kaya naalarma ang mga tao malapit sakin pati na rin ang guard ng school namin.

Mabilis na tumakbo ang lalaki palayo pero agad ring lumiko pabalik ng makita ang guard ng pawnshop na malapit sa school namin. Tatawid sana ito ng kalsada pero dahil sa pagmamadali nito ay hindi nya namalayan na may paparating na sasakyan.

Natumba ang lalaki sa kalsada, mabuti nalang at hindi gaanong malakas ang impact ng pagkakabunggo sa kanya kaya may malay pa ito matapos masagasaan.

Lumapit agad ang mga tao sa kanya at tumawag ng sasakyan para madala sa ospital ang lalaki. Nabawi ko naman ang cellphone ko na medyo may gasgas na dahil nahulog ito ng masagasaan sya.

Naaawa akong nakatingin sa lalaki habang naiiyak ito sa sakit dahil sa pagkakabundol sa kanya. Alam kong masama ang ginawa nya pero baka may dahilan sya kaya nya nagawa iyon.

Tinulungan ng mga tao na maitayo ang lalaki at madala sa ospital. Hindi ito makalakad ng maayos at dumudugo din ang braso nito.

Marahan akong nag angat ng tingin ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Nagtama naman ang mga tingin namin ni Grey.


"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong nito sakin na tinanguan ko naman.

"I'm sorry," paghingi pa nito ng tawad saka ako niyakap ng mahigpit.


"Ano ka ba? Wala ka namang kasalanan." Sagot ko dito. "San ka ba nanggaling?" Dagdag na tanong ko naman.


"May emergency lang pero don't worry, naayos ko na," sagot nito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Ang kaninang inis na nararamdaman ko para kay Grey ay parang biglang nawala. Sa isang yakap nya lang parang ayos na ulit ang lahat. Ganun talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Hindi mo kakayaning mainis o magtampo ng matagal.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now