BIKGV-9

4.6K 153 0
                                    

"HAHAHAHAHAHA!" Nakabusangot ang mukha ko habang pinapanuod kung paano ako pagtawanan nina Sydney at Ate Liz. Naikwento ko kase sa kanila ang ginawa ni Grey kagabi pero imbis na tulungan akong pilitin si Grey na burahin yon ay pinagtawanan lang nila ako.

Kanina ko pa kase hinahanap si Grey para makausap sya at para mabura na din nya ang letcheng picture na yon ng undies ko.

Inayos ko ang salamin na suot ko pagkatapos ay iniwan ang dalawa para umakyat sa taas at hanapin si Grey.

"San punta mo Zerah?!" Natatawa pang tanong sakin ni Ate Liz.

"Hahanapin ko si Grey!" Sagot ko dito habang hindi lumilingon.

"Wala dyan si Grey, umalis!" Sagot nito na nakahawak pa sa tyan dahil sa kakatawa.

Pagkatapos ng klase namin ni Sydney ay dito na kami dumeretso sa bahay nila. Naabotan namin si Ate Liz na boring na nanunuod ng TV dahil wala pa dito sina Tito at Tita.

Hindi na ako sumagot kay Ate Liz at tahimik nalang na bumalik at naupo sa couch.

"Wag mo masyadong isipin yon, cute naman ang panty mo hahaha!" Hindi ko alam kung pinapagaan ba ni Ate Liz ang loob ko o mas pinapasama nya lang. Ito namang su Sydney imbis na tulungan ako ay sinabayan pang tumawa si Ate Liz. Akala ko ba bestfriend kami? Hmp!

"Ate Liz naman, paanu kung ipost nya talaga sa story nya yon? Nakakahiya kaya!" Pagmamaktol ko.

"Wag kang mag alala Zerah. Sa ugali ni Ate Grey...hindi imposibleng gawin nya yon. HAHAHAHA!" Muli ko silang sinamaan ng tingin ng magtawanan nanaman sila.

Hindi ko na sila pinansin pa at tahimik nalang na naupo sa couch habang patuloy na tinotorture sa isip si Grey. Kahit kailan talaga bwict sya sa buhay ko.

Ilang sandali pa silang nagtawanang dalawa bago tuluyang tumigil at bumaling sakin.

"Bakit ba kase mukang mainit ang dugo sayo ni Grey?" Medyo seryosong tanong na ni Ate Liz.

"Ewan, masama lang talaga ugali nya." Nakasimangot na sagot ko.

"Well, medyo...pero usually wala naman syang pakealam sa ibang tao pero sayo talagang may oras pa sya para bwictin ka. Ano bang ginawa mo?" Kuryosong tanong ni Ate Liz.

"Naku Ate! Kung alam mo lang... Halos patayin yan ni Ate Grey sa college department nung nagawi kami don." Pagsingit naman ni Sydney na ikinagulat ni Ate Liz.

"Talaga?! Bakit?!" Puno ng pagtatakang tanong ni Ate Liz.

"Hindi ko naman sinasadyang mabangga ko sya sa hallway..."

"Yun lang? She's being so mean again, mabangga mo lang naman pala." Naiiling na sagot ni Ate Liz.

"Oo nga nabangga ko sya...tapos nabasa yung mga papers na hawak nya at kailangan nyang ipasa nung oras na yon."

"What?!" Sa itsura ni Ate Liz ay tila pinoproseso ng utak nya ang mga nangyari.

"Well if I was her... I'll probably do the same thing for Pete's sake Zerah be careful next time, don't you know how hard and lazy it is to do some goddamn school works, duh!"

Sabay naming tinitigan ni Sydney si Ate Liz na parang disappointed sa sagot nya.

"What?" Nanlalaking mga matang tanong pa nito.

"Wala/Nothing!" Sabay na sagot namin ni Sydney.

"I'm just kidding, kiddo's." Pagbawi ni Ate Liz.

Saglit kaming natahimik na tatlo na para bang may dumaang anghel sa harap namin.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now